Muling nagpaalala ang Bureu of Immigration (BI) sa mga foreign nationals na mag-report ng personal sa ahensiya simula sa Enero sa susunod na taon.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang annual report (AR) ng mga banyaga ay bilang pagsunod daw sa Alien Registration Act of 1950.
Nire-require dito ang lahat ng mga mayroong foreign at mga immigrant maging ang mga non-immigrant visas na mag-report ng personal sa bureau sa unang 60 araw kada calendar year.
Sa taong 2021 ang annual report period of aliens ay isasagawa mula Enero 1 hanggang Marso 1.
Pero hinimok naman ni Morente ang mga banyagang agad magrehistro sa online appointment system ng BI o http://e-services.immigration.gov.ph para mabigyan ang mga ito ng schedule kung kailan ang kanilang annual report.
“As with all other transactions, we will not allow the entry of walk-in foreigners who wish to make their annual report. They have to obtain their schedule via our online appointment system. Eight hundred slots for the AR is reserved per day, while Saturdays are reserved for those availing the services of accredited entities, as well as remote AR for bulk applicants,” ani Morente.
Samantala sa pamamagitan ng Remote AR, sinabi ni Morente na puwedeng i-request ng mga embassies o foreign groups na ikonsidera kapag ang bilang ng mga reportees ay lagpas ng 10 indibidwal.
Ipinaliwanag nitong sa ilalim ng batas, ang mga banyaga na may hawak na immigrant at non-immigrant visas at naisyuhan ng alien certificate of registration identity card (ACR I-Card) ay kailangan magpakita para sa annual report.
Ang mga bigong magpakita ng personal sa BI ay posibleng mamultahan, makansela ang visa, ma-deport at makulong.
“Failure to do so may result in fines, visa cancelation, deportation, or imprisonment,” ani Morente.
Dagdag ni Morente, maliban sa BI main office sa Intramuros, Manila puwede ring mag-report ang mga banyaga sa pinakamalapit na BI field, satellite o extension office.
Samantala, nilinaw naman ni Atty. Jose Carlitos Licas, BI alien registration chief, puwede pa rin namang mag-report ang mga banyagang lumagpas sa 60-day period sa loob ng 30 days mula nang bumalik ang mga ito sa bansa basta’t valid pa rin ang kanilang re-entry permits.
Kailangan daw ng mga banyagang magprisinta ng kanilang original ACR I-Card at valid passport kasama na ang P300-annual report fee at P10-legal research fee.
Para naman sa nga foreigners na may edad 14-anyos pababa, puwede raw humalili sa kanila ang kanilang mga magulang o guardian.
Ang mga senior citizens at persons with disability ay exempted naman sa personal appearance at puwede silang mag-file sa pamamagitan ng representative kalakip ang Special Power of Attorney.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna