November 3, 2024

65 paaralan nakinabang sa Brigada Eskwela 2020 ng CDC

‘BAYANIHAN SA PAARALAN’. Iginawad ni Clark Development Corporation (CDC) Officer-in-Charge (OIC) for the Office of the President Engr. Mariza O. Mandocdoc (ikatlo mula sa kaliwa) kasama si CDC AVP for External Affairs Rommel C. Narciso (ikalawa mula sa kaliwa) ang donasyon kina SGOD Angeles City Education Program Supervisor Edgar Manabat, PhD (una mula sa kaliwa) at iba pang division heads. Makikita rin sa larawan sina Mabalacat OIC Asst. Schools Division Superintendent Leonardo Canlas, PhD (una mula sa kanan), Tarlac Public Schools District Supervisor Nicolasa Camaya (ikalawa mula sa kanan) at SMK General Affairs Supervisor Josephine David (ikatlo mula sa kanan). Ang naturang donasyon ay hindi lamang pakikinabangan ng 65 na paaralan sa Metro Park kung maging sa iba pang katabing komunidad ng Brigada Eskwela 2020 ng CDC. (CDC-CD Photo)

CLARK FREEPORT— Nakinabang kamakailan lang ang 65 na eskwelahan sa mga lugar sa Metro Clark at kalapit na mga komunidad sa nasabing Freeport mula sa Clark Development Corporation’s (CDC) Brigada Eskwela 2020, isa sa iba’t ibang programa ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng CDC.

  “We are really a booming economic zone. We have been earning sufficiently and our task is to help locators succeed with their business but at the same time we really want to share the responsibility of being part of the growth of our communities,” ayon kay Officer-in-Charge (OIC) for the Office of the President Engr. Mariza O. Mandocdoc sa isinagawang paggawad ng mga donasyon.

Kabilang sa mga ipinamahagi ang iba’t ibang construction at paint materials para sa pagpapaganta at pagpapabuti ng mga pasilidad ng mga eskwelahan sa mga siyudad ng Angeles, Mabalacat, at San Fernando; mga munisipalidad ng Porac, Lubao, Magalang at Floridablanca sa Pampanga.

Nakatanggap  din ng donasyon ang Bamban at Capas sa Tarlac, kabilang ang Air Force Elementary Schoo; sa loob ng Air Force City sa Clark.

Kabilang din sa ipinamigay ay printers, bond papers, pad papers, ring binds, notebooks, face masks, face shields, gallons ng alcohol, sanitizer at soap dispensers.

Kabilang  ang SMK Electronics, na kinatawan ni General Affairs Supervisor Josephine David, sa mga contributor ng nasabing event.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina School Governance and Operations Division (SGOD) Angeles City Education Program Supervisor Edgar Manabat, PhD.; Mabalacat OIC Asst. Schools Division Superintendent Leonardo Canlas, PhD; at Tarlac Public Schools District Supervisor Nicolasa Camaya, at iba pa.

Sa naturang aktibidad, binigyang-diin ni Mandocdon ang kahalagahan ng edukasyon sa pamamagitan ng kanyang inspiring message.

 “This project has been going on for several years. It started in 2012 but it has scaled up under the program of our CSR group. And this is something very close to our hearts because in CDC, we really believe in being part of the growth of the community,” saad niya.

MATERIALS FOR A BRIGHTER FUTURE, SAFER COMMUNITY. Iba’t ibang construction materials, school supplies, at sanitizing supplies ang ibinigay ng Clark Development Corporation (CDC) at ng partner nitong locators, SME Electronics para sa isa iba’t ibang proyekto ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng CDC na nakatuon sa edukasyon – Brigada Eskwela 2020 na may temang “Bayanihan sa Paaralan”. (CDC-CD Photo)

Dagdag pa niya sa isang personal note na pinasisigla ang mga programa na may kinalaman sa edukasyon tulad ng Brigada Eskwela at CDC Excellence Award. “I always am a believer in changing lives because of education,” saad ni Mandocdoc

Ang Brigada Eskwela ay isang joint project ng CDC at ng partner nito na mga locator na isinasagawa taon-taon na sinimulan noong 2012.