Ilang araw na lang, Pasko na. Ang Pasko ang pinaka-espesyal na araw ng taon. Masaya kasi ang bawat pamilya sa ganitong okasyon.
Kahit anong ihain, basta sama-sama ang pamilya ay ayos lang. ‘Yan ang isabuhay natin sa nasabing tradisyon.
Ang Pasko ay panahon ng pagwawaksi ng mga alalahanin sa buhay. Pagpapatawad, pagbibigayan at pagmamahalan.
Bagama’t dumanas tayo ng kaliwa’t – kanang krisis ngayong taon, makalilimutan natin yan sa Pasko. Ika nga ng iba, ang sasapit na Pasko at “Pasko de Hapis”.
May punto nga naman. Kasi, marami sa atin ang nawalan ng trabaho at raket. Maraming negosyo ang nagsara dahil apektado ng pandemya.
Sakal din ang mga pagtitipon at iba pang malalaking pagdiriwang dahil sa ipinatutupad na health protocols ng kinauukulan.
Ang iba naman ay humina.May namatayan ng mahal sa buhay, may nagkasakit. May dumanas ng matinding kaigtingan (stress) at depresyon.
Dagdag alalahanin din ang mga ‘due dates’.Bayarin sa upa sa bahay, kuryente at tubig. Saan kukuha ang pobreng Juan de la Cruz ng pamadyak? Idagdag pa ang pagsipa ng presyo ng bilihin. Kapos na kapos ang ating mga kababayan.
Gayunman, umasa tayo na maaayos din ang lahat. Lahat ng bagay ay may katapusan.
Sa awa ng Diyos, narito pa rin tayo, nakakapit. Nakatanaw sa panibagong pag-asa. Sana, Pasko de Feliz ang maranasan natin. Na kahit papanao ay may mapagsaluhan tayo sa hapag at masaya sa araw na iyon.
More Stories
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino