November 3, 2024

Rookie card ni NBA legend Michael Jordan, naibenta sa halagang $150,000

Patuloy sa pagsipa sa auctions ang memorabilia ni NBA legend Michael Jordan. Katunayan, naibenta ng $150,000 sa auction ang rookie card niya. Ito ay noong taong 1986-1987 Michael Jordan Fleer noong Chicago Bulls era nito.

Ang nasabing card ay inilatag sa bid sa Robert Edward Auctions. Ang unang bid ay nagsimula sa $25,000. Umabot ito sa 51 entries bago naisara ang deal.

Ito rin ang pinaka-steepest price na ibinayad sa rookie card ni Jordan. Kung saan, may grado itong PSA 10.

Kinasa rin sa merkado ang 1986-1987 Fleer Basketball unopened wax box. Na naglalaman ng 36 card packs. Na rito’y ikinasa ang start ng bid sa $25,000.

Naipagbili ito ng P126,000 pagkatapos ng 39 bids. Nananatiling maayos ang condition ng card hanggang ngayon. Kahalintulad noong una itong lumabas sa market noong 1986.