November 24, 2024

Mga katuwang ng Villar SIPAG sa poverty reduction pararangalan

Inihayag ni Senadora Cynthia A. Villar na bibigyan ng pakilala ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) ang mga nangungunang lokal na organisasyon nakikipagtulungan sa grassroots level para mabawasan ang kahirapan at mapabuti ang kabuhayan ng mga Pilipino.

“This year’s search for poverty reduction champions is more meaningful given the challenges that we are all facing due to the COVID-19 pandemic. It is important to recognize these individuals and organizations who continue to give back to the community and work hard so that no one is left behind,” pahayag ni Villar.

Pararangalan ng Villar SIPAG ang 20 natatanging community enterprise dahil sa naiambag nito sa paglago at pag-unlad ng kanilang komunidad.

Tatanggap ang bawat mapipiling samahan ng P250,000 para makatulong sa kanilang mga adhikain.

“These cooperatives allow individuals to pool together their resources and expertise to solve problems, identify common goals and address challenges to achieve lasting growth,” sabi pa ng senador.

Sa susunod na taon, kikilalanin din ng foundation ang 10 outstanding youth social enterprise na binuo ng Filipino youth groups sa buong bansa

Pagkakalooban ang bawat isang mananalo sa kategoryang ito ng P150,000 upang makatulong sa kanilang proyekto at pagsisikap na maiahon ang kanilang komunidad sa kahirapan. Ihahayag ang mga nagwagi sa Disyembre 18, 2020.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) Facebook account (@VillarSIPAG).