Magandang balita sa mga fans ng legend PBA team na Crispa Redmanizers. Ito’y dahil sa muling ibinalik ang Crispa t-Shirt.
Ito ang sinabi ni Allessandro Lorenzo “Enzo” Floro Herbosa. Si Enzo ay anak ni Dra. Valeries Floro Herbosa.
Si Valerie naman ay bunsong anak ni Redmanizers owner Danny Floro. Anila, bubuhayin ng pamilya ang maalamat na t-shirt.
Ang maganda pa, kung walang aberya, balak din nilang ibalik ang team sa basketball.
“Yeah, why not?” pahayag ni Herbosa.
“We realize naman that the Crispa t-shirt became famous because of our basketball team.”
“For a start, though, let us – my brothers Angelo, Valerio and Regino, our cousins and friends — first reintroduce the CRISPA brand in the market, as a quality t-shirt brand proudly made in the Philippines,” ani Enzo.
“Yung basketball team, susunod na.”
Inilunsad ang Crispa t-shirt via virtual conference. Gaya ng dati, 100 percent cotton pa rin ang t-shirts.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo