November 24, 2024

Petro Gazz, magiging guest team sa Philippine SuperLiga

Sinabi ng Philippine Superliga na magiging busy ang susunod na taon para sa torneo. Natengga ng ilang buwan ang liga dahil sa Coronavirus pandemic.

Gayunman, tinuran ni League chairman Philip Ella Juico, na nakakasa na ang aktibidad sa 2021. Kung saan, mapupunan nito ang pag-alalay sa national team at grassroots sports programs.

Kaugnay dito, tatlong team ang bumaklas dahil sa leave of absence. Ito ay ang Petron, Generika-Ayala, and Marinerang Pilipina.

Ngunit, ito ito makaaapekto sa level of competition ng liga. Magiging guest team dito ang Petro Gazz Angels mula sa PVL.

Kaya naman, masusubukan nito ang tikas ng F2 Logistics, Cignal, Chery Tiggo, Sta. Lucia and PLDT Home Fibr.

Ayon pa kay Juico, 2 teams pa ang lalahok sa PSL. Kung kaya, mapananatili nito ang original eight-squad field.

Papalo aniya ang All-Filipino Conference sa March 13, 2021.

“We promise to be back with a bang,” ani Juico, dating Philippine Sports Commission chairman and president of the national athletics federation.