Ikinasa ng Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) Review Committee ang isang resolusyon. Kung saan, agad na aaprubahan ang automatic nomination ng Olympic medalists. Ipinahayag ang development na ito sa idinaos na virtual meeting.
Sinuportahan ni PSHOF 2020 Chairperson and Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez, ang nasabing resolution.
Ito’y dahil sa mahirap matisod ng medalya sa Olympics. Kaya, dapat lang kilalanin ng husto ang mapagbibigay nito para sa bansa.
“Achieving a medal from the most prestigious Games in history is something worth recognizing for a lifetime. They deserve it even without the process of someone voluntarily proving it for them,” ani Ramirez.
Ilalatag naman ni Akiko Thomson Guevara, kumatawan sa the Philippine Olympian Association in the Review Committee, ang pangalan ng lahat ng olympoic medalists sa bansa sa susunod na meeting.
Sa ngayon, may 10 Filipino medalist pa lang ang nakapagbigay para sa bansa sapol nang sumali ito sa 1924 Summer Olympics.
Tangging si Teofilo Yldefonso ang Filipino athlete ang nakasungkit ng back-to-back Olympic medal. Ito ay noong 1928 at 1932.
Ang nominations para sa Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) 2020 ay extended hanggang sa katapusan ng January 2021.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo