November 24, 2024

CUSTOMS NAKASABAT NG P19-M MISDECLARED NA FROZEN MACKEREL SA MICT

NASABAT ng Bureau of Customs sa Pasay City ang dalawang container ng misdeclared na frozen mackerel na galing pang China.

Nakapasok sa bansa ang naturang kargamento, na nagkakahalaga ng P19 milyon, sa pamamagitan ng Manila International Container Port at may consignee na Hightower Inc.

Napag-alaman na nakalagay na frozen squid ang laman ng container van pero nalaman na naglalaman ito ng misdeclared items gaya ng frozen mackerel scad.

Ayon kay BOC Assisstant Commissioner Vincent Philip Maronilla sa tulong ng ikinabit nilang electronic tracking of containerized Cargo (ETRACC) GPS Seal sa mga container van na patungo sa kanilang storage facility natukoy na misdeclaration.

Sinubukan aniya ng mga driver na sirain ang GPS seal at umalarma ito sa kanilang central office, dahilan para rumisponde ang mga tauhan ng Customs.

Nasa kustodiya ngayon ng Customs police ang mga driver ng container para sa imbestigasyon habang iniimbestigahan din ang Hightower Incorporated.



Nagbabala ang Customs na maaaring sampahan ng kasong paglabag sa section 1400 “Misdeclaration, Misclassification, Undervaluation in Goods Declaration” in relation to Section 1113, “Property subject to seizure and forfeiture” ng Customs Modernization and Tariff Act ang mga magsasagawa nito.