Hindi pa umano tanggap ng ngayo’y biyuda ni April Boy Regino ang pagpanaw ng OPM (Original Pilipino Music) legend.
Sa video na naka-upload sa Facebook ni Madelyn Region, makikitang nag-breakdown ito o yaong sobrang pag-iyak habang niyayakap ang bangkay ng mister.
Ayon kay Madelyn, natapos na ang paghihirap ni April Boy pero naiwan naman siyang mag-isa sa pagdanas ng sakit na mawalan ng minamahal.
Madaya aniya ang asawa dahil nagsabi pa ito na nais pang mabuhay upang makasama ang pamilya.
Sa hashtags ni Madelyn, bandang alas-3:08 kaninang madaling araw nang sumakabilang-buhay ang mister habang nasa ospital dahil umano sa chronic kidney disease stage 5 at acute respiratory disease.
Samantala, nagdudulot ng kalituhan hinggil sa edad ng pagkamatay ni Regino kung saan unang lumabas na ito ay 51-anyos ngunit sinasabing April 9, 1961 ang kaarawan nito.
“Bukod kay Atty. Jemela Nettles, mismong ang pamilya ni April Boy ang nagsabing na 59 years old ito nang sumakabilang-buhay.
Personal na inasikaso ni Atty. Nettles ang mga dokumento na kailangan ni April Boy at ng pamilya kaya hawak niya ang katibayan na April 9, 1961 ang birthdate ng pumanaw na singer,” saad ng pep.
Una nang nagpahayag ng pangungulila ang anak ni April Boy na si JC kung saan nagpalit ito ng profile picture kalakip ang “idol” baseball cap.
Sa panig naman ng kanyang kapatid na si Vingo, bahala na aniya ang Diyos sa kanilang pamilya.
Kabilang sa hit songs ng namayapang ’90s Jukebox King ay ang “‘Di ko kayang tanggapin,” “Umiiyak ang Puso,” “Paano ang puso ko,” at marami pang iba.
Maging ang tribute mula sa mga netizen at ilang local celebrities ay bumuhos sa iba’t ibang social media.
Una nang na-diagnose si April Boy na mayroong prostate cancer ngunit gumaling noong 2013.
Gayunman, dinapuan siya ng congestive heart failure kung saan nahirapan daw siyang huminga hanggang sa naging “Bedridden” matapos ma-confine sa ospital ng dalawang araw.
Sunod na naging sakit nito ay ang diabetes, dahilan para mabulag ang kanyang kaliwang mata ngunit unti-unti ay nagamot din noong sumailalim sa medication.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY