November 3, 2024

MAKABAYANG BULOK

TALIWAS sa prontang ipinaglalaban kuno nila sa bayan, ang gawain ng mga tinaguriang makabayan bloc sa Kongreso ay hindi para sa sambayanan. Kundi, sa pansariling laban kaya wala silang ‘K’ na patawag na grupong makabayan.

Walang ginawa sa Mababang Kapulungan ang grupong makakaliwang nagkaroon ng representasyon dahil sa sistemang Party List lamang kaya napabilang sa demokratikong proseso ang mga sakit sa kalingkingang iba ang idolohiya na pahirap lang sa bayan.

Di naman kasi dapat nagkaroon ng Party List kung bakit pinayagan ng mga Mambabatas noon kaya nagkaroon ng tinik sa lalamunan ang bayan dahil sa pagiging salot ng makabayan daw.

Na ang totoong adhikain ay gibain ang pamahalaan na di naman mangyayari kahit kailan. Pasarap-buhay sila sa Kongreso at sumusuweldo galing sa buwis ng sambayanan pero ang kanilang idolohiya ay buwis-buhay sa kanilang mga nare-recruit at nalalason ang isip na kabataang tinuturuang lumaban sa pamahalaan.

Katulad ng kanilang pinunong wala sa bansa kahit na rainy o dry “SISON” na namumuhay ng mariwasa mula sa dugo’t-pawis ng mga nakikibaka, nagugutuman at namumuhay tulisan sa kabundukan, ang makabayang bloc ay buhay-mayaman mula sa pondong galing sa pamahalaan— na kanilang kinakalaban tulad ng mga hayop sa damo na bigyan mo man ng pagkain ay tutuklawin ang palad ng pinanggagalingan ng kanilang ikinabubuhay.

Hayagan pa nilang kinakampihan ang bayolante at teroristang gawain ng mga lihis na leftist sa bansa. Wala nang nasyon sa mundo na may katulad ng idolohiya ng makabayang bloc na iyan.

Kaya wala na silang puwang sa institusyon laan sa demokratikong sistema para sa peace-loving Pinoy na may takot sa Maykapal di tulad ng mga makakaliwang ideology na walang Diyos. Dapat nang gumising ang bayanat kinauukulan.Huwag nang padenggoy at pa-bluff sa mga pakana sa Kongreso ng binansagang makabayan bloc dahil style nila ay BULOK!