Masayang sinaksihan nina Navotas City Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang isinagawang Virtual Lighting ng Navotas Christmas Tree na matatagpuan sa harapan ng Navotas City Hall Grounds at Navotas City Walk and Amphitheater bilang hudyat na papalapit na ang kapaskuhan. (JUVY LUCERO)
para ipadama sa mga Navoteño ang diwa ng Pasko, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang taunang pagpapailaw sa kanilang malaking Christmas Tree na hudyat na papalapit na ang kapaskuhan.
Sinaksihan nina Navotas City Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang isinagawang Virtual Lighting ng Navotas Christmas Tree na matatagpuan sa harapan ng Navotas City Hall Grounds at Navotas City Walk and Amphitheater, ganap na ala-6 ng gabi noong November 21.
Ayon kay Mayor Tiangco, para sa kaligtasan ng lahat ay isinagawa ang programa sa pamamagitan ng online sa Navoteño Ako kung saan kabilang din sa mga sumaksi si Vice Mayor Clint Geronimo.
Sinabi pa niya na dati ay isang malaking Christmas Tree lang na matatagpuan sa C-4 Road, ngayon ay mayroon na rin isa pang Christmas Tree sa harap ng city hall na sabay nilang pinailawan.
Layon nito na ipadama sa mga Navoteño ang diwa ng Pasko sa kabila ng mga maraming pagsubok sa buhay.
“Marami man tayong napagdaaanang hamon ngayon taon, buhay na buhay sa atin ang pag-asa ng pagbangon. Sama-sama nating ipagdiwang ang pag-asang ito. Saksihan ang pagliwanag ng ating lungsod sa taunang pag-iilaw sa ating Christmas Tree”, pahayag ng magkapatid na Tiangco. Sa kanilang talumpati sa pamamagitan online, nagpasalamat ang magkapatid na Tiangco sa mga nakiisa sa programa at sa mga nagpaabot ng pagbati sa kanilang kaarawan lalo na sa mga Navoteño.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna