Nagdonate si Michael Jordan ng $ 2 million mula sa kanyang kinita sa kanyang docu-series na “The Last Dance”.
Ang pera ay ibinigay sa local food banks sa Carolinas at Chicago. Inihayag ni Jordan na kumita siya ng $3- $4 million sa kanyang partisipasyon sa dokyu.
Ito ay ang Emmy-winning 10-part ESPN docuseries. Kung saan, tampok ditto ang kanyang last season sa Chicago Bulls.
“In these challenging times and in a year of unimaginable difficulty due to COVID-19, it’s more important than ever to pause and give thanks,” ani Jordan.
“I am proud to be donating additional proceeds from ‘The Last Dance’ to Feeding America and its member food banks in the Carolinas and Chicago to help feed America’s hungry.”
Kamakailan, sinabi ni Jordan na ibabahagi nito ang kanyang earnings mula sa documentary series. Ito ay mapupunta sa ‘Friends of the Children’, isang mentorship nonprofit dedicated upang maapula ang siklo ng generational poverty.
“An incredible gift to be thankful for – NBA legend Michael Jordan is donating $2 million to help our neighbors facing hunger! #TheLastDance Every action makes a difference. Join Michael & visit http://FeedingAmerica.org/COVID19 to learn how you can donate or volunteer this holiday season,” ani ng Feeding America.
Nangako rin ang NBA legend na magbibigay ng $100 million sa loob ng 10 taon sa organisasyon. Na, tumututok sa paglaban para sa racial equality.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo