November 24, 2024

Thirdy Ravena, bumubuti na ang lagay pagkatapos magpositive sa COVID-19

Kahit nagpositibo sa COVID-19, masaya si Thirdy Ravena habang nagpapagaling sa Japan. Si Thirdy ay bahagi ng San-En Neophoenix. Ito’y dahil sa well-wishes na natatanggap niya mula sa mga taong concerned sa kanyang lagay.

Inihayag ni Ravena okay lang siya habang nasa quarantine. Ito’y matapos ihayag ng Neophoenix na nagpositibo siya sa PCR test sa Toyohashi City Health Center.

Sinabi ng San-En na mayroong fever si Thirdy na may 38.2 C nang isalang sa test.Ayon naman sa ina niya na si Mozzy, bumubuti na ang lagay niya. Ngunit nawalan siya ng panlasa at pang-amoy.

 “All good over here,” saad ni Ravena sa kanyang social media accounts,

 “Appreciate all the love and concern over the past 24 hours. I feel well already but have to follow quarantine protocols indefinitely.”

Inihayag naman ng kanyang team na wala namang symtoms ng COVID-19 ang kanyang mga teammates.

Si Ravena ay nagpamalas ng tikas sa Neophoenix sapol nang kanyang debut sa J League. Mayroon siyang average na 12.0 points, 4.8 rebounds at 1.4 assists sa limang games.