November 24, 2024

Vico Sotto: PasigPass app ‘di hinihingi ng mga traffic enforcer para makapasok ng Pasig

Binalaan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga residente na huwag maniwala sa kumakalat na fake report kung saan hinihiling ng mga traffic enforcer na gumamit ng contact tracing application na PasigPass para makapasok ng siyudad.

“May nagkakalat ng tsismis na  i-che-check ng mga traffic enforcers ang Pasig Pass…. Wala itong katotohanan,” giit ni Sotto gamit ang kanyang official Twitter page.

“Kaya para di na po tayo malito, sa mga VERIFIED PAGES na lang tayo magbasa ng announcements,” dagdag pa niya.

Ang mga sumusunod na establisimyento ang nangangailangan ng pag-scan ng QR codes gamit ang PasigPass app:

·         city government institutions and offices
·         malls
·         financial institutions
·         health facilities
·         religious institutions
·         commercial establishments or offices with 30 persons or more
·         educational institutions
·         factories
·         restaurants
·         motels, inns or hotels
·         public transportation

“Under the PasigPass ordinance, a PasigPass QR code will now be a requirement for entry to business establishments in Pasig City. Some establishments such as malls have already started implementing a ‘No PasigPass, No Entry,” read the statement from the Pasig Public Information Office, discussing the city’s new contact tracing app.

Noong Miyerkoles, nakapagtala ang Pasig ng 8,788 kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) na may 8,236 recoveries at 358 deaths.