November 3, 2024

NAVOTAS NAGTAKDA NG AUTOSWEEP REGISTRATION SA NOV. 29

Matapos ang matagumpay na drive-thru Easytrip RFID installation, nagtakda naman ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng Autosweep registration sa November 29, 9 a.m. to 5 p.m.

Ang lungsod katuwang ang San Miguel Corporation (SMC) ay tumatanggap ng 1,000 na kahit anung klase ng sasakyan para sa Autosweep RFID tagging.

Ang event ay gaganapin sa Navotas Bus Terminal at ito ay first come, first served basis.

“We invite all Navoteño motorists to take advantage of this opportunity. Get your Autosweep RFID sticker this Sunday and enjoy hassle-free transactions at our tollways,” ani Mayor Toby Tiangco.

Ang Autosweep RFID ay pumapayag sa cashless at contactless toll payments para sa mga motorista na dumadaan sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR), South Luzon Expressway (SLEX), Skyway System, NAIA Expressway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Mag download at mag fill out ang mga aplikante ng Autosweep Subscription Form, at ipasa pareho sa itinalagang mga personnel sa venue. Dapat din sila magbayad ng P200 para sa paunang initial load.

Magsuot ng face mask at manatili sa loob ng kanilang sasakyan ang mga aplikante habang pinoproseso ang RFID installation, magdala ng tamang halaga para sa payment, at gumamit ng sariling panulat.

Pinaalalahanan ni Tiangco ang publiko na sarado ang southbound lane ng C4 at R10 mula sa Navotas Bus Terminal hanggang Old Fishport Road sa itinakdang petsa mula 8 a.m. to 6 p.m.

Mananati namang bukas ang northbound lane at pansamantalang two-way.

Nauna rito, ang pamahalaang lungsod, katuwang ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ay nakapagkabit ng Easytrip RFID stickers sa 481 Class 1, 19 Class 2, at limanh Class 3 na mga sasakyan.