November 3, 2024

PAGCOR naglaan ng P2 bilyon para sa pagpapatayo ng multi-purpose evacuation centers

Bilang bahagi ng long-term response ng pamahalaan sa climate change, na naging sanhi ng sunod-sunod na malakas na bagyo na nanalasa sa bansa, naglaan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng P2 bilyon para sa pagpapatayo ng multi-purpose evacuation centers (MPEC) sa mga lalawigan na madalas tamaan ng bagyo.

Ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Andrea D. Domingo, na nakapaglaan pa rin ang state-run gaming agency ng nasabing halaga sa kabila ng malubhang pagkalugi sa kita dahil sa pagsususpinde ng gaming operations at mahigpit na pagpapatupad ng community quarantine measures upang masugpo ang COVID-19 pandemic.

“The Filipinos have suffered a lot this year – from the global pandemic to a series of destructive typhoons. Hence, despite our revenue losses, we have committed to provide a long-term solution to the most vulnerable sectors and communities,” paliwanag ni Domingo.

Dagdag pa niya na nagdulot ng pinsala at pagdurusa sa mga Filipino itong mga nagdaang bagyo.

 “We deeply empathize with them. In fact, PAGCOR has already deployed teams in hard-hit provinces such as Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Marikina, Isabela and Cagayan to provide immediate relief. But with the construction of MPECs in typhoon-prone areas, we hope that we can help safeguard the lives and welfare of many Filipinos,” aniya.

Saad pa niya, libo-libong indibidwal ang inililikas tuwing may kalamidad, subalit walang sapat na evacuation centers ang ilang local government units (LGUs).

“We want to fill in that gap. Our MPECs will be designed to withstand strong typhoons so that evacuees will feel safe and comfortable while they are away from their homes,” pagbabahagi niya.

Paliwanag pa ng PAGCOR chief na noong 2018 pa lang, ay naging konspeto na ng state-run gaming agency ang MPEC project, na pinamumunuan ni PAGCOR’s President and COO Alfredo Lim.

“But it took a while to get the appropriate designs and get the costing completed,” saad ni Domingo.

Kapag natapos na ang lahat ng detalye ng proyekto, direktang ibinibigay ng PAGCOR ang pondo sa mga benepisyaryong LGU para sa pagpapatayo ng MPECs.

Una nang inaprubahan ng PAGCOR ang 32 MPECs na itinayo sa 31 lugar. Kabilang na rito ang Albay, Aurora, Batangas, Camarines Sur, Capiz, Ilocos Sur, Laguna, Mountain Province, Marikina, Northern Samar, Oriental Mindoro, Pampanga, Quezon, Romblon, Rizal, Southern Leyte, Tarlac at Zamboanga del Sur.