Thirty years na ang lumipas nang unang sumalang sa lona ng WWE si The Undertaker. Nangyari ito noong Nobyembre 22, 1990 sa Survivor Series. Kasama niyang nanglakad sa center ile ang manager na si Paul Bearer.
Ginulat ni Mark Lucas Calloway ang WWF fans noon nang talunin si Hulk Hogan,
“My time has come to let the Undertaker rest in peace,” ani ng seven-time WWE champion.
Naging finale ng WWE pay-per-view event ang ‘farewell bid’ ng tinaguriang ‘The Deadman’. Binansagan din siyang ‘The Phenom’.
Bago maglakad sa ring si Undertaker, nagtalumpati muna si WWE Chairman Vince McMahon.
Bago gawin ang kanyang ‘bid farwell’ sumampa muna si Shane McMahon ang ilang WWE superstars para bigyan siya ng pugay. Kabilang na rito sina WWE legends Rick Flair, Shawn Michaels, Triple H at Kane.
Kasama rin sa lona sina Mick Foley, Kevin Nash, Savio Vega, John Bradshaw Layfield (JBL) at Big Show. Gayundin sina The Godfather, Booker T, Rikishi, Jeff Hardy at The Godwins.
Kaugnay dito, nagpaabot din ng kanyang pagpupugay si John Cena sa kanyang social media account kay Undertaker.
“After three decades of @undertaker comitting wholeheartedly to the @WWE, tonight we bear witness to the end of an extraordinary body of work.”
‘ For all the in the in ring moments and as a member of the @WWEUniverse, I say #ThankYouTaker!#SurvivorSeries#Undertaker30,” ani Cena.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo