Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry ang mga negosyante na umiiral pa rin ang price freeze sa buong Luzon nang isailalim ito sa state of calamity matapos ang pananalasa ng sunod na bagyo.
Hinimok ng DTI ang mga establishment at consumer na i-check ang price freeze bulletins sa pamamagitan ng kanilang official website at nagbabala sa sinumang lalabag sa price control ay mahaharap sa pagkabilanggo ng hanggang sa 10 taon o pagmumultahin ng P5,000 hanggang sa P1 milyon. “The DTI is closely coordinating with the manufacturers of basic necessities and prime commodities to ensure the availability and the continuous replenishment of these goods especially in the heavily affected areas,” saad ni DTI Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo sa isang pahayag.
Sa ilalim ng Republic Act 7581 o ang Price Act, ay inatasan na i-monitor ang presyo ng mga bilihin gaya ng sardinas at iba pang marine products, instant noodles, bottled water, tinapay, gatas, kape, kandila, sabong panlaba, detergent at asin.
Ang Deparment of Agriculture naman ang naatasan para subaybayan ang presyo ng bigas, mais, mantika, fresh, dried at iba pang marine products, sariwang itlog, sariwang baboy, baka at manok, sariwang gatas, sariwang gulay, root crops, asukal at sariwang prutas.
Ang mga nakalistang mahahalagang gamot at medical supplies/essentials ay kailangan ding suriin ng Department of Health, habang binabantayan naman ng Department of Energy ang presyo ng LPG at kerosene, na nasa ilalim din ng nasabing batas.
Nilubog ng baha ang malaking bahagi ng Luzon matapos direktang tumama sa isla ang Bagyong Ulysses simula noong Nobyembre 11, na nag-iwan ng hindi bababa sa P10 bilyon na pinsala sa agrikulutra at imprastraktura.
Isaang linggo nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Luzon-wide state of calamity, na mananatiling epektibo hangga’t hindi niya ito inaalis.
Bago si Ulysses, matindi rin ang sinapit ng pangunahing isla ng bansa sa bagyong Quinta at Rolly.
Hinikayat ng DTI ang mga consumer na isumbong nag mga retailer, distributor at basic necessities manufacturers na hindi sumusunod sa awtomatikong price control sa pamamagitan ng kanilang hotline One-DTI (1-384) o mag-email via [email protected].
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY