November 22, 2024

IKA-45 ANIBERSARYO NG MMDA, IPINAGDIRIWANG

Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-45 anibersaryo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isa sa mga ahensiya na may malaking ambag para tugunan ang kinakaharap na krisis ng bansa tulad ng COVID-19 pandemic at sunod-sunod na bagyo na tumama sa bansa partikular sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim, mahalaga ang selebrasyon na ito para sa naturang ahensiya na nanatiling nasa frontlines ng bawat krisis na kinakaharap na Pilipinas.

Nagpapasalamat din siya sa naipakitang serbisyo at sakripisyo sa mga kawani sa lahat ng taong lumipas at lalo na nitong 2020.

Lubos din niyang pinasasalamatan ang mga partners ng MMDA dahil sa nakakaengganyo na suporta para paigtingin pa nito ang kanilang trabaho.

Pagtitiyak pa ni Lim na dahil sa patuloy na pakikisa at pagtutulungan ay muling makasusulong ang bansa, makaka-adapt at magkakaroon ng “better normal.”