November 3, 2024

“Ngayon, ang binu-bully mga anak ko” – Robredo

Dinepensahan ni Vice President Leni Robredo laban sa mga nambu-bully sa kanyang mga anak na babae kaugnay pa rin sa kanilang mga tweet sa hashtag na #NasaanAngPangulo.

Ngayon, ang binubully mga anak ko,” saad ni Robredo sa kanyang Facebook post nitong Huwebes ng gabi.

Nalaman ng Agila ng Bayan na una nang itinuro ang Vice President na nasa likod umano ng kontrobersiyal na hashtag noong kasagsagan ng bagyong Ulysses na mariin niya namang pinabulaanan.

Isang Facebook post ang inilabas ng bise presidente matapos na mabanggit ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang Palace briefing ang di umano’y palitan ng tweets ng dalawang anak ni VP Robredo na patungkol sa Pangulo.

Ayon pa sa ulat, ang tinutukoy na tweet ni Roque ay ang post ni Tricia Robredo na “Tulog pa rin, alas otso na,” at nagkomento naman ang kapatid niyang si Aika Robredo ng “Sabado eh, weekend.”

Binigyang diin ng Vice President na ang kanyang mga anak ay “may kanya-kanyang pagkatao at palagi niyang ipinagmamalaki ang kanilang pagsusumikap at accomplishments.

“Totoo, they’re outspoken and rightfully so. We have trained them to stand up for themselves and what they believe in,” Robredo said.

“They’re all adults now,” dagdag niya. “They’re not in government. They are not politicians and they don’t plan to be.”