Isang indikasyon ng panibagong pag-asa para sa Pilipinas ang pagkakahalal ni Joe Biden bilang bagong presidente ng United States makaraang talunin niya si Donald Trump sa katatapos na halalang pampangulungan sa U.S.
Ito ang ipinahiwatig ng global analyst at dating World Bank Director na si Yukon Huang sa isang webinar https://youtu.be/JMAfSqs0v4A kasama ng isang panel ng mga local experts buhat sa industry at development sector ng Pilipinas.
Sinabi rin niya na nanaiisin ni Biden na bumuo ng mas malaking alyansa sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations na kinabibilangan ng Pilipinas dahil sa istratehikong kahalagahan nito.
Idiniin ni Huang ang pragmatikong posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa patakarang panlabas ng Pilipinas para mabawasan ang tension sa China, mga kalapit nitong bansa at sa U.S..
“Ang kumbinasyong ito ng pagbabago sa political pressure at papel sa ekonomiya ay nagbibigay sa Pilipinas ng oportunidad na makasulong sa pinakapositibong paraan,” dagdag niya.
Kalahok din sa nasabing webinar na tumalakay sa hinaharap ng relasyon ng U.S., China at ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Biden sina
Panel expert Dioceldo Sy, founder at CEO ng Ever Bilena Cosmetics and Blackwater; George Siy, Wharton-educated geopolitical analyst; at Chairperson Anna Mae Lamentillo ng Build, Build, Build Committee ng Department of Public Work and Highways. Natalakay sa webinar na, bagaman naging mabuhay ang relasyon ng U.S. sa China sa ilalim ng administrasyon ni Trump, naging kapakipakinabang naman ang pagbabagong ito kapwa sa China at ASEAN. Idiniin ni Huang na nagamit ng mga bansang ASEAN ang pagbabagong ito tulad ng Vietnam na nagpalago ng kanilang manufacturing sector para suplayan ang U.S. at ang ibang panig ng mundo. Idiniin ni Huang na ideal time ito para pumasok ang Pilipinas.
Pinuna naman ni SyDioceldo Sy, founder at CEO ng Ever Bilena Cosmetics and Blackwater, na 40% ownership lang ang ipinapahintulot sa mga dayuhang negosyante sa Pilipinas kasama na ang kawalan ng transparency para sa local business relations na nagpapabawas ng insentibo para sa mga dayuhang mamumuhunan. Kailangan din anyang mapaunlad ang mga imprastruktura sa susunod na mga taon.
Idinagdag naman ni Anna Mae Lamentillo, ng Build, Chairperson ng Build, Build Committee ng Department of Public Work and Highways, Lamentillo na patuloy ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas kaugnay ng pagpapalawak ng manufacturing industry at infrastructure development na merong ayuda sa independiyenteng patakarang panlabas ni Pangulong Rodrigo Duterte. Binanggit niya kung paanong ang China, Japan, South Korea at France ay nakakaambag nang malaki sa BBB program ng Pilipinas.
Sinabi ni Huang na maraming matutunan ang Pilipinas sa pagkamalikhain ng China lalo na hinggil sa pagiging mas higit na self-sufficient. Idiniin niya ang pagtulong ng mga Chinese investor sa pagpapalago ng mga imprastruktura sa mga lugar na tulad ng Vietnam at Mexico at kung paanong nasa posisyon ang Pilipinas para maging bahagi ng inisyatibang ito.
Idinagdag ni Lamentillo na ang China ay nakapagbigay ng donasyon para sa dalawang malaking tulay para sa EDSA Decongestion master plan. Pinabulaanan niya ang ilang maling pananaw sa mga foreign project.
Sinabi ni Lamentillo na ang Pilipinas ang nagdidikta sa mga proyekto at disenyo para sa pagpopondo. Ang mga kontrata sa mga Chinese project ay katulad ng sa ibang foreign lender. Kabilang pa ang Pilipinas sa 4010 pangunahing bansa na may lowest debt to GDP ratio sa mundo.
Binatikos din ng mga analyst ang kumakalat na pekenng balita hinggil sa China’s debt trap na sumisingil ng 10-20%. Nagmula anila ang balita sa isang artikulo ni U.S. military funded analyst Anders Corr sa Forbes Magazine na nagpahayag ng naturang paratang nang walang pruweba. Sa katotohanan, ang talagang interest ay 2%-4% na mas mababa kaysa sa ibang maraming bansa at sa Western development banks.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY