November 23, 2024

Maynilad nag-sorry dahil sa mahabang water service interruption

Humingi ng paumanhin ang Maynilad sa pagkabigo nilang maibalik kaagad sa normal ang suplay ng tubig ng kanilang mga customers.

Ito’y kasunod na rin ng epekto ng pag-ulang hatid ng Bagyong Ulysses na nagdulot ng pagtaas ng turbidity level o paglabo ng tubig mula sa Ipo Dam na pumapasok sa kanilang treatment plant.

Dahil dito, nakaranas ng mas mahabang service interruption ang Maynilad customers kumpara sa inaasahan.

Sinimulan na rin ng Maynilad ang pagpuno sa mga reservoir na inaasahang matatapos sa susunod na dalawang araw.

Samantala, tiniyak naman ng Maynilad sa kanilang mga customers na ginagawa nila ang lahat upang mapawi ang naging epekto ng pagbabawas ng kanilang isinusuplay na tubig.

Anila, tuloy-tuloy pa rin ang pag-iikot ng kanilang water tankers sa mga apektadong lugar upang makapag-deliver ng tubig

Maaari namang magtungo sa official Facebook page at Twitter account ng Maynilad para sa mga updates kaugnay sa kanilang service interruption schedules.