Ipapatupad na sa Valenzuela City ang isang ordinansa na pumapayag sa mga e-scooters na dumaan sa lahat ng mga kalsada, kalye at eskinita sa lungsod maliban sa kahabaan ng MacArthur Highway.
Ito’y matapos aprubahan ang Ordinance No. 811, Series of 2020 o “2020 E-Scooter Ordinance of Valenzuela City” ng 8th City Council sa ginanap na 14th Special Session sa Valenzuela City Session Hall.
Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, itinakda sa ordinansa na lahat ng sumasakay ng e-scooter ay dapat palaging may suot na helmet. Hinihikayat din ang pagsuot ng knee pads, wrist pads at elbow pads.
Nakasaad din sa ordinansa na tanging mga 17 taong gulang pataas lamang ang maaaring magmaneho ng e-scooter. Ang mga 16 taong gulang pababa ay maaaring payagan basta’t gagamitin ang e-scooter sa sariling pribadong ari-arian o compound at may gabay ng kanilang mga magulan. Ang sinumang lumabag sa ordenansa ay pagmumultahin ng P500.00 o 24 oras na community service.
More Stories
KAMARA IKINULONG CHIEF OF STAFF NI VP SARA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
5 tiklo sa P311K droga sa Caloocan