December 23, 2024

Morente pinasalamatan si PRRD, Bong GO at iba pang mambabatas para sa pagsuporta sa bagong immigration law

PINASALAMATAN ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente si Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Bong Go, at iba pang mambabatas para sa kanilang suporta sa bagong immigration law.

Sa inilabas na pahayag ngayong Biyernes, sinabi ni Morente na ang Immigration Modernization Bill ay pangmatagalang solusyon sa mga isyu na bumabalot sa ahensiya.

“I have personally reported to the President the challenges that we are facing in the Bureau,” said Morente.  “I am very thankful that he reiterated his support to the modernization of the BI law,” pahayag niya.

Isinisisi ni Immigration Commissioner Jaime Morente sa mga luma nang sistema ang paglaganap ng mga iligal na iskema sa BI.

Tinukoy niya ang mga legal loopholes sa aniya’y outdated nang mga probisyon ng Commonwealth Act 613, mas kilala bilang The Philippine Immigration Act of 1940,  na siyang pumipigil sa kanyang liderato na sugpuin ang katiwalian sa ahensiya.

Kahapon sinabi ni Senator Go na kanyang isinusulong ang agarang pagpasa ng panukala na magpapalakas at magmomodernisa sa BI para mawalis ang talamak na korapsyon sa ahensiya.

Kung maipapasa ang bagong batas, ito’y magbibigay ng higit na makokontrol at mapapangasiwaan ng pinuno ng BI ang mga tauhan ng Bureau, kabilang ang awtoridad na mag-appoint, mag-promote at mag-reassign.

“The support of the President, as well as our lawmakers in pushing for this law is vital to ensure that we finally modernize and professionalize the Bureau,”  ani ni Morente.