November 24, 2024

DSWD May Malasakit, umaayuda na sa mga nasalanta ng bagyo

Ayon sa pinakahuling datos mula sa DSWD Field Office IV-A, sa tulong ng 113 na lokal na pamahalaan sa CALABARZON Region, nasa 1,061 evacuation centers na mayroong mahigit 25,000 pamilyang pansamantalang naninirahan dulot ng bagyong Ulysses ang mino-monitor ng Kagawaran nitong nakalipas na 24 oras.

Ang mga panagangailangan ng mga nasabing pamilya ay agarang tinugunan ng mga lokal na pamahalaan habang ang Kagawaran, sa pamamagitan ng Field Office IV-A, ay nakaantabay para sa anumang karagdagang tulong na kakailangananin ng lokal na pamahalaan.

Nagsimula na ring magpamahagi ng mga Family Food Packs ang DSWD Field Office CAR sa mga pamilyang apektado ni Bagyong Ulysses mula sa iba’t ibang barangay ng Luna, Apayao. Katuwang din ng Field Office ang ilang mga partners sa pamamahagi ng tulong.

Kasalukuyang inaayos ang 1,200 Family Food Packs na preparatory goods na dadalhin sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Ulysses. Ito ang isa sa mga agarang aksyon at pagresponde ng DSWD Field Office II sa mga biktima at apektadong pamilya at indibidwal. Kasama sa nasabing repacking ang mga empleyado ng DSWD FO2, DRMD Head Marciano Dameg, OIC-PSD Franco Lopez at OIC-HRD Division Chief Llanisel Cuntapay. ( DSWD Region II).