IGINIIT ni Senator Cynthia A. Villar ang kahalagahan ng Sewerage Treatment Plan (STP) upang malinis at mailigtas ang Manila Bay na aniya’y mahalaga sa buhay ng mga Pilipino.
Magtatayo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng solar-powered Sewage Treatment Plant (STP) sa Baywalk area sa Malate, Manila.
Pinasiyanan nina DENR Secretary Frank Cimatu and MMDA Chair Gen. Danilo Lim noong July 30 ang STP na may kapasidad na kumuha at mag-ayos kada araw sa 500,000 litro ng wastewater mula sa drainage outfalls ng Padre Faura, Remedios at Estero de San Antonio Abad.
Ayon sa DENR, maglalagay sila ng karagdagang solar-powered STPs para sa wastewater mula Parañaque River, Tullahan-Tinajeros River at Las Piñas-Zapote River.
Sinabi ni Villar, chair of the Senate Committed on Environment and Natural Resources (DENR), na isa itong “welcome development” upang mapabuti ang tubig ng Manila Bay.
“We should all do our part, not just whenever we can, but as much as we can. All over the world, many things are happening due to environmental destruction, degradation and neglect,” ayon Villar.
Bilang chairperson din ng Committee on Agriculture and Food, ipinahayag ni Villar na maraming mangingisda ang umaasa ng kanilang kabuhayan sa Manila Bay. Ito ang pinagkukunan ng suplay ng isda sa National Capital Region (NCR), Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) at ilang bahagi sa Cavite at Bataan.
Ang Manila Bay ay may 1.7 million hectares drainage area na may 17 river systems.
Sa pakikipagtulungan sa local government units, adbokasiya ni Villar na panatiliing malinis ang mga ilog sa kanilang bayan upang makatulong sa pangangalaga at pagpapanatiling maayos sa Manila Bay.
“Plastic wastes ang isa sa pinaka-malubhang nakakapinsala sa ating kapaligiran at pumapatay sa mga yamang dagat. Alam natin lahat iyan dahil sa lahat ng mga cleanups, puro plastic wastes ang nako-collect natin,” ayon sa senator.
Sinabi ni Villar na pangatlo ang Pilipinas, kasunod ng China at Indonesia, sa pinakamaraming plastic na pumupunta sa karagatan.
Pinangungunahan ni Villar ang cleanups activities sa coastal areas ng Manila Bay. Kabilang sa cleanup activities na itinataguyod ng senador ang sa Obando, Bulacan; Lubao, Pampanga; Orani, Bataan; Kawit, Cavite; Baseco at Las Piñas Parañaque Wetland Park.
Pinuri rin ni Villar ang dumaraming bilang ng vigilant Manila Bay protectors. Aniya, ito ang tinatawag na 13 “mandamus agencies” na sa pamamagitan ng writ of continuing mandamus, inatasan ng Supreme Court ayusin at panatliing maayos ang Manila Bay.
Ang 13 Mandamus agencies ay ang DENR, DILG, DepEd, DOH, DA, DPWH, DBM, Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MG), Philippine Ports Authority (PPA), MMDA, Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Local Water Utilities Administration (LWUA). Karamihan sa mga ito ay bahagi ng Manila Bay Task Force.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna