NASAWI ang tatlong katao, kabilang ang isang tatlong taong gulang na batang babae matapos makulong sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Beatris Oralio Alegria, 64, Vicente Junior Oralio Alegria, 65, at Althea Oralio, 3-anyos, pawang ng Kamagong St. Pangarap Village, Brgy. 182.
Ayon kay City Fire Director Supt. Aristotle Bañaga, dakong alas-2 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa loob ng bahay ng mga biktima kung saan hindi nagawang makalabas sa kanilang bahay ang tatlo kaya’t kasama silang nasunog.
Kuwento ng dalawang kaanak ng mga nasawi, lumabas sila ng bahay para kumain subalit, pagbalik nila ay natupok na ng apoy ang kanilang bahay.
Dakong alas-2:34 ng madaling araw nang ideklara ng Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) na under control na ang sunog at tuluyang naapula bandang alas-2:41 ng madaling araw.
Wala namang ibang bahay ang nadamay sa insidente habang tinatayang nasa P150,000.00 halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy. Ayon sa BFP, kabilang sa kanilang mga tinitignan na posibleng dahilan ng insidente ay napabayaang kandila dahil wala umanong kuryente ang naturang bahay at kandila ang gamit ng pamilya upang magka-ilaw.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna