Sasalang ang E-Gilas Pilipinas sa mga e-gamer sa mundo. Mapapalaban sila sa pagbuslo ng FIBA ESports Open sa November 14-15.
Nasa 38 teams ang sasali sa second edition nito ayon sa International Basketball Federation. Ang mga teams ay mula sa 7 regional conferences na idaraos sa loob ng three-weekends.
Ang bawat team ay may 7 players. Lima ang nasa court at two ang reserves. Lalaruin sa PS4 Game ang NBAK21 gamit ang Pro-AM mode.
Ang mga regional conferences ay itinakda ng naaayon sa geographical conditions at server distributions.
Kasabay ng Southeast Asia conference kung saan kabilang ang E-Gilas ang Africa at Middle East. Ang Finals sa lahat ng FIBA Esports Open II conferences ay best-of-three format.
“The first-ever FIBA Esports Open was an important milestone. The growing interest received from our National Federations is additional motivation for FIBA to further develop esports, and we are very enthusiastic for this second edition,” ani FIBA Secretary General Andreas Zagklis.
Gaya ng unang FIBA Esports Open,ang jabuuan ng series ay ipu- produce mula sa FIBA Esports Studio sa Riga, Latvia, kung saan ang 54 hours ng live content ay mapapanood sa FIBA Facebook page, Twitch at YouTube channels.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison