
NANANAWAGAN ang Philippine Coast Guard sa publiko na nais tumulong sa mga biktima ng Bagyong Rolly sa Eastern Visayas.
Ayon kay PCG Spokespern Commodore Armand Balilo, maaaring dalhin ng sinuman sa kanilang tanggapan ang kanilang mga donasyon para sa mga sinalanta ng bagyo.
Bukod sa food provisions gaya ng bigas, noodles, canned goods, gatas, tubig at hygiene kits, kailangan din aniya ng mga flashlights at batteries.
Hinikayat din ni Balilo ang may mga kamag-anak sa Catanduanes na nais magpadala ng goods sa kanilang mga kamag-anak duon ay maaaring dalhin sa headquarters ng Coast Guard at sila na ang bahalang maghahatid.
Kahapon ng umaga ay dumaong na ang BRP Gabriela Silang sa Virac, Catanduanes, na may dalang tone- toneladang relief packs para sa mga nasalanta ng bagyong Rolly.
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE