November 2, 2024

7,662 kabataang mag-aaral sa Valenzuela nakatanggap ng E-Nutribuns

Para mapunan ang agwat sa nutrisyon sa mga kabataan at matugunan ang problema sa gutom at kakulangan sa nutrisyon dala ng COVID-19 pandemic, nagsimulang mamahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng E-Nutribuns sa mga mag-aaral mula sa Central District ng lungsod.

Sa pamamagitan ng Department of Education (DepEd), 2,600 na mga batang mag-aaral na kabilang sa unang batch ang tumanggap ng E-Nutribuns na dinala sa Malinta Elementary School.

Ang P9.1M-program na ito ay bahagi ng nagpapatuloy na hakbangin ng Alagang Valenzuelano Chikiting Food Patrol, ang mismong programa na pagpapakain ng Lunsod sa mga mag-aaral sa kindergarten at Grade 6 students na mga may mababang timbang sa kanilang taas.

Target ng DepEd Valenzuela na makapagtustos ng 7,662 mga nag-aaral ng E-Nutribuns kada-linggo hanggang katapusan ng Disyembre 2020.

“Nagpapatuloy ang aming K-6 feeding program. Ngunit dahil walang face-to-face na klase, ang mga magulang ang kukunin ang pagkakalooban ng Nutribun ng mga bata. Ang isang (1) Nutribun pack ay good para sa isang linggong konsumo,” ani Mayor Rex Gatchalian.