November 23, 2024

Pagpuna sa pagdagsa ng mga Chinese sa bansa, tinuligsa

Pinalagan ng mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sina VP Leni Robredo, Senators Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan  at Richard  Gordon kaugnay sa pagdagsa ng mga Chinese sa bansa.

Anila, ipinagtataka nila kung bakit kinukuwestiyon ng mga nationalist leaders ang retirement policies sa bansa kung ito ay lehitimo gayung malaki ang pakinabang natin sa mga Chinese na hindi iniuulat ng ibang media at pinapansin ng ilang lider ng bansa.

Kinuwestiyon din nila kung bakit hindi napapaulat ang ginawang pagpapa-deport ng US sa libo-libong infected ng COVID-19 na mga kabataan sa mahihirap na bansa at pagkontrol ng US sa vaccine companies gayundin ang pamimirata nila sa ating mga nurse, at pagnanakaw ng medical supplies sa ibang bansa.

Kamakailan lang ay nawindang si Hontiveros sa pagdating umano ng 4 milyong Chinese sa bansa na tinawag naman ni Sen. Pangilinan na “soft invasion.” Tinawag din ni VP Leni ang mga Chinese na dumating sa Pilipinas na malaking panganib sa pambansang seguridad.

Pero ayon sa mga supporters ni Pangulong Duterte naging maayos ang kalakalan magmula nang maging magkaibigan ang dalawang bansa, kung ikukumpara sa pagdating ng Western powers na sinasamantala ang kahinaan ng Pilipinas at minamasaker ang mga Filipino.

Base sa datos ng IDSI- Integrated Development Studies Institute na nakalap ng Agila ng Bayan, ang Pilipinas ang isa sa may kakaunti na China tourist sa buong Asean na may 1.3  milyon noong 2019. Habang ang Thailand ay may 11 milyon; Singapore na may 3.4 milyon; Japan na may 9.5 milyon Chinese tourist, na gumastos ng $15-B. Ang Vietnam ay may mahigit sa 650-K China tourists per month, kahit patuloy ang hidwaan ng dalawang bansa. (Nalampasan ng Vietnam ang PH GDP per capita ngayong 2020).

Dagdag pa rito, nakapag-ambag ang Chinese tourist  sa Pilipinas ng $277 bilyon noong 2019 vs US tourist na may $180 bilyon; matindi rin ang naging pagtulong ng mga Chinese sa mga kalamidad at pagka-recover sa COVID-19; nakapagsanay din  sila ng  libo-libo nating engineer sa buong bansa kung saan karamihan dito ay hindi napaulat ng media.

Ayon pa sa supporter ni Pangulong Digong na maraming positibo pangyayari ang nagawa ng Philippine-China project na hindi inirereport ng media tulad nang matapos Angat Dam, Rehabilitation Centers sa Agusan at sa Sarangani.

Kasalukuyan ding tinatapos ang Chico River Pump Irrigation project at ang dalawang tulay na nagbigay ng libo-libong trabaho sa mga Pinoy.

Nasa 38,000 Filipino ang nagkaroon ng trabaho dahil sa China-aided Binondo-Intramuros Bridge Project noong Oktubre 30, 2020 na nakalikha ng 38,000 trabaho para sa mga Pinoy.