October 30, 2024

Clark locators lumahok sa IEC webinar sa ilalim ng new normal

IEC SA NEW NORMAL. Pinangunahan kamakailan lang ng Clark Development Corporation (CDC) sa pamamagitan ng External Affairs Division (EAD) na pinamumunuan ni Assitant Vice President Rommel Narciso (ikaanim mula sa kaliwa) ang Information and Education Campaign Webinar para sa Clark locators. Kabilang sa mga naging speaker at facilitators ng nasabing aktibidad ang mga opisyales ng Social Security System (SSS) na kinabibilangan nina SSS Junior Analyst Francielyn Cuevas (ikalawa mula sa kanan), Acting Social Security Officer III Sigfred Manuel (ikatlo mula sa kanan) at  CEO – II, AMS Anthony Rivera (ika-apat mula sa kanan). Nasa larawan din sina  CDC – External affairs staff (mula kaliwa pakanan) Skills and Placement Assistants Jonalyn Manabat at Jamille Tolentino, Skills and Placement Officer II Krissumpta Maree M. Adona, Skills and Placement Officer II Randy Gomez at  iba pang EAD personnel. PhilHealth Accounts Information Management Specialist (PAIMS) Joven Liwanag, Chief Social Insurance Officer Annabelle Bautista-Imana, Local Health Insurance Officer (LHIO) Rowena T. Luciano, GSIS Marketing Manager Ma. Rosanna A. Sanchez, PAG IBIG Fund Branch Head for Angeles City Liberty C. Guerrero, Accounts Management Specialist Kathlyn Salas, Member Services Officer III Aaron Josef Nucum, LandBank Marketing Officer Valene Therese Torrecampo, and DOLE Officer-in- Charge Jose Roberto L. Navata na dumalo sa ginanap na webinar.

CLARK FREEPORT – Aabot sa 80 representate mula sa iba’t ibang locators sa nasabing Freeport ang kamakailan ay nakipag-partisipasyon sa dalawang araw na Information and Education Campaign (IEC) Webinar sa pangunguna ng Clark Development Corporation.

Layunin ng IEC webinar na may temang “Bagong Kaalaman, Bagong Benepisyo tulong sa Empleyado sa Panahon ng Pandemya”, na upang ipabatid at i-update ang mga partisipante kaugnay sa programa na isinasagawa ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa panahon ng pandemya.

Ang CDC, sa pamamagitan ng External Affairs Department (EAD) nito na pinamumunuan ni CDC-AVP Rommel Narciso, sa pakikipagtulungan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund), LandBank, and Department of Labor and Employment (DOLE) ay nais mabigyan ng higit na kaalaman ang mga locator para sa pinakabagong proseso at inisyatibo ng bawat ahensiya sa ilalim ng new normal.

Naipaalam din sa mga partisipante, na karamihan ang mga human resources ng locator companies dito, ang patungkol sa new online procedures ng PhilHealth, SSS, at Landbank.

Samantala, tinalakay naman ng DOLE ang Employment Preservation habang pinag-usapan ng GSIS ang tungkol sa kanilang Insurance process at ibinahagi ng PAG-IBIG ang iba pang detalye kaugnay sa kanilang programa.

Ilang sa mga naging speaker sa nasabing webinar ay kinabibilangan nina PhilHealth Accounts Information Management Specialist (PAIMS) Joven Liwanag, Chief Social Insurance Officer Annabelle Bautista-Imana, Local Health Insurance Officer (LHIO) Rowena T. Luciano, GSIS Marketing Manager Ma. Rosanna A. Sanchez, SSS Branch Head for Angeles City Normita M. Cruz, SSS Junior Analyst Francielyn Cuevas, at Acting Social Security Officer III Sigfred Manuel.

Dumalo rin sa nasabing webina sina  PAG-IBIG Fund Branch Head for Angeles City Liberty C. Guerrero with Accounts Management Specialist Kathlyn Salas, Member Services Officer III Aaron Josef Nucum, LandBank Marketing Officer Valene Therese Torrecampo, at DOLE Officer-in- Charge Jose Roberto L. Navata.

Ang mga lumahok na locator companies sa naturang event ay ang Outback Five Star Clark Phils. Inc., Philexcel Business Park, Inc., Beepo, Inc., Converge ICT Solutions, Inc., Federal Express Corporation, Fontana Development Corporation, Foton Motor Philippines Inc., Genesis Transport Service, Inc., Global Gateway Development Corporation, Jamco Philippines, Inc., JB Cresta Corp., Mercedes-Benz Group Services Phils., Inc., Metro Clark Waste Management Corp., Mimosa Cityscapes Inc., Pishon Clark Philippines Inc., SIA Engineering (Phils.) Corporation, Sun Valley Clark Hub Corporation, Sutherland Global Services Philippines Inc., Tanika (Philippines) Corporation, The Medical City Clark, Inc., UPS International, Inc., Xenia Hotel Corporation, Yokohama Tire Philippines, Inc., Yokoisada (Phils.) Corporation, at Federal Express Pacific, LLC among others.

Ang IEC ay isang taunang aktibidad na pinangungunahan ng CDC-EAD. Ang event ding ito ay bahagi ng iba’t ibang programa na idinisenyo ng state-owned firm upang tulungan ang mga locator nito para sa government statutory requirements at pabilisin ang pagnenegosyo sa nasabing Freeport.