November 24, 2024

DOTr inutil sa transition plan for airport workers

Lumabas sa isang newspaper report kahapon na wala umanong plano ang Department of Transportation (DOTr) kung ano ang kapalaran ng may 14,000 manggawa sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ang pag-turnover ng management nito sa isang private company.

Tsk. tsk. tsk. Ano ang mangyayari sa mga manggawang ito kapag napunta sa mga kamay ng private company ang NAIA? Paano ang separation wages and benefits nila?

Paano ang security of tenure ng mga manggagawa? Tatanggapin ba ng private ang continuity of employment ng mga manggagawa nito? 
Dapat kabilang sa kasunduan between DOTr and the private company ang terms of employment of these workers who will affected by the change of management. 

Muli na naman ipinapakita ng DOTr ang mga kapalpakan nito at pagiging incompetent ng ilang mga opisyal nito. Magmula sa kapalpakan nito sa public transport system, kakagigil na beep cards ng MRT, paglalagay sa mga kamay ng mga gahaman na private businesses ang transport system management gaya ng PITX sa Paranaque at iba pa. 

Heto ngayon ang kawalan ng transition plan ng DOTr para sa mga NAIA workers.  Another kapalpakan in tje making. Napakahalaga ng buhay at kabuhayan ng mga manggagawang, hindi ba nag-iisip ang mga opisyal ng DOTr?