Mga ka-Agila, kumusta po kayo ngayong nasa ika-pitong buwan na tayo sa panahon ng Covid-19 pandemic? Sana ay nasa mabuti kayong kalusugan at walang anumang karamdaman.
Naantig ang puso at napapaluha ang aking mga viewer at subscribers sa Youtube channel-Flor Rosales (FRNewsTV) sa kwento ng buhay ng isang domestic worker sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia na nakapanayam ko nitong lingo ng gabi.
Umiiyak na humihingi ng tulong kay Pang. Rodrigo Duterte si OFW Elenita Samson na nai-deploy sa Riyadh noong December 7, 2019.
Bago umalis ng Pilipinas, naging vendor sya ng balut at mga gulay sa Antipolo city. Dahil sa hirap ng buhay, naisipan nyang mag-apply sa PHILCO HUMAN RESOURCES SERVICE CO. sa Ermita, Manila para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya.
Hindi na bago sa pag-aabroad si Elenita dahil nagtrabaho na rin sya bilang DH sa Kuwait.
Pero sa kasamaang palad, napadpad si Elenita sa isang malupit na amo sa Riyadh dahil sa “inhumane treatment” sa kanya. Kabilang na ang tira-tira lang o “mumo” na ang pinapakain sa kanya, walang pahinga o rest day kaya nanginginig at nanghihina ang kanyang katawang lupa.
Bukod dito, wala rin syang privacy dahil sa sofa lang sya natutulog.
Malinaw na lumabag sa kontrata ang PHILCO HUMAN RESOURCES SERVICE CO. at counterpart nitong Foreign Recruitment Agency na AL-HABSHAN RECRUITMENT OFFICE SA Fahad Abdulaziz, Riyadh.
Ang tunay na amo ni Elenita sa kanyang contract ay si ZAYD MOHAMMED ZAYD ALREFAEI pero hindi sya dito nagta-trabaho dahil ibinigay sya sa biyenan nitong babae na siyang nagma-maltrato sa kanya.
Labing-isang buwan na ang nakalipas mula ng magreklamo si Elenita sa kanyang agency dahil sa nagkasakit sya dulot ng matinding pagod at puyat sa pagtatrabaho.
Noong April 2019, nagreklamo na si Elenita na may sakit sya pero hindi siya agad ipinagamot ng amo. Nag-email sya sa local agency para ipaalam ang kanyang kundisyon pero pinagalitan pa umano sya dahil kailangan na bayaran nya ang lahat ng ginastos ng amo nya..Kailangan din umano ng katibayan na sya ay may karamdaman para pauwiin ng bansa.
Noong June 2, 2019, nagsusuka na umano sya at nakita ito ng anak ng kanyang amo at sinabihan sya na ipapa-check-up sa doctor pero sya ang pinagbabayad.
“Sa takot ko po na kung ano ang nararamdaman ko dahil matagal na akong may sakit, pumayag na po akong magbayad. Nung nasa ospital na kami, isinailalim ako sa x-ray at mga laboratory test,” ayon kay Elenita. Dito na nalaman na may impeksyon siya sa baga at pinayuhan sya ng doctor na kailangan na magpahinga.
Sa halip na sagutin ng kanyang amo ang doctor’s fee at mga gamot na halagang Saudi Riyal 449, sya pa ang nagbayad nito. Bukod dito, si Elenita pa rin ang bumibili ng kanyang mga gamot, sariling pagkain at mismong uniform ng DH.
Sa kabila ng kanyang sakit, tuloy pa rin sya sa pagta-trabaho hanggang sa manakit na ang kanyang likod at dibdib dahil kulang sa pahinga at tulog. Namamanhid ang mga kamay, nagkabukol sa leeg at nagbitak-bitak ang kanyang mukha. Pinandidirihan din umano sya ng mga anak ng kanyang amo dahil sa kanyang hitsura dahil sa mga sugat at nagkabukol-bukol.
Hanggang sa ngayon, hindi pa rin sya ipinapagamot ng kanyang amo.
Hindi pa rin inaaksyuhan ng local at foreign recruitment agencies ang request for repatriation ni Elenita dahil kailangan pa umano nyang bayaran o ibalik ang mga ginastos ng kanyang amo sa pagtungo sa Riyadh.
Sinabihan pa umano sya ng agency at ng ilang tauhan ng Philippine Overseas Employment Office(POLO) na sya ang bibili ng plane ticket na halagang SR3,700 o katumbas ng 47,752.94 para mai-book at makauwi ng Pilipinas.
Kung kukwentahin, sinabi ni Elenita na aabutin ng dalawang buwan na sahod nya ang nasabing halaga na ipambibili ng ticket sa eroplano.
Panawagan ko kay Pang. Duterte, DOLE Sec. Bebot Bello III, OWWA admin Hans Leo Cacdac at DFA Usec. Sarah Arriola na tulungan ang ating kababayang si Elenita dahil sa kanyang kasalukuyang kundisyon.
Iniutos na ni Pang. Duterte na irepatriate ang mga OFW na gustong umuwi at walang sinabi ang Pangulo na singilin sila ng pambayad sa ticket, dahil sagot po yan ng gubyerno.
*****************
Ibinulgar naman ni Red Cross Chair at Senador Dick Gordon na ilang OFWS ang nagrereklamo at nagsusumbong sa kanya na sinisingil sila ng mula P7,000, P10,000 up to 20,000 para sa mabilis na resulta ng covid-19 test. Grabe ang raket na ito, Mr. President!
Kung tutuusin, sinabi ni Gordon na ang singil ng Red Cross ay P3,500 sa test kaya naglagay na sila ng pwesto sa NAIA dahil sa umaangal na ang mga OFW at mga pasahero sa overpriced na testing.
*****************
Good news naman po tayo,mga ka-Agila, nakauwi na ng bansa ang may 25 overseas filipino workers mula sa alumatec/teamtime company sa saudi arabia.
Sinabi ni ofw samaritan group volunteers head admin emzijj rafael banayat na muntik nang hindi marepatriate ang ilang manggagawa ng alumatic/teamtime dahil wala sila sa listahan ng chartered flight, pero sinabihan sila na pumunta lang sa airport at nakasakay din ng eroplano pauwi ng pilipinas.
may apat ofws sana ay maiiwan sa labas pero sa sigasig ni mam marelyn na tawagan at kausapin ang ticket handler officer, na halos magmakaawa na ibigay sa apat ang natitira pang bakanteng upuan.
at para silang nabunutan ng tinik. nang nakasabay ang mga ito.
nagpapasalamat po tayo kay mam helen porras from presidential management staff dahil isa sya sa tumulong sa kaso ng mga kawani ng teamtime, ofw sgv sec marelyn roxas ilaida,sgv founder mam yasmen limbona together with the high officers,officers,admins,and trainee admins
saludo po ako sa inyong pagtityaga at pagmamalasakit sa ating mga distressed ofws..
thank you very much kina Aldrin Fañega na walang sawang nagbigay ng food assistance sa teamtime workers at JR Celorio.
Kabilang sa mga ofw na nakauwi ay sina Jerry Legaspi, Tur Alfaro, Alvin Collado, Noli Rodriguez, Jhonmelvin Moratin, Rhainel Ramos Maglaqui, Boyet Mangalindan at iba pa. good luck sa inyo at naway makapiling nyo na ang inyong pamilya.
*********
Binabati ko muna ng Happy 3rd anniversary sa Nov. 6 ang Makati Eagles Club sa pamumuno ng mababait at masisipag naming mga Kuya na sina Rommel Abital(President), Atty. Yami Balayo(former President), Engr. Jun Balayo(PCSO), Sherwin Jumong Sanchez, Jay Bundial, Jonathan Santiago, Alexander Alag, Anthon Abad, Bong Banda, Engr. Noli Alcantara(DPWH), Fernando Apuad, Reynaldo Villanueva at sa mga aspirants na i-induct sa Makati Shangrila. Welcome sa Makati Eagles Club. Mabuhay ang Alalayang Agila. Congrats kina Kuya Louie Ceniza at Kuya Manuel Luna ng BrownFont PR agency.
Para sa inyong reaksyon, suhestyon at opinion, magpadala lang ng mensahe sa [email protected].
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA