Tinuran ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na handa siyang talakayin sa Executive Board ang mabibigat na isyu.
Ito’y patungkol sa patungkol sa bilyong pondo na ginastos ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa nakaraang SEA Games.
“Tatawag ako ng POC executive board meeting sa susunod na linggo. Para sa election guidelines updates at iba pang mga bagay, kabilang ang isyu sa PHISGOC issue,” ani Tolentino.
Nais ng 7 ng executive board sa pamumuno ni Chairman Steve Hontiveros na maglahad ang PHISGOC ng isang financial report.
Ang ibang kasapi ng lupon ay sina first vice president Joey Romasanta at second vice president Jeff Tamayo. Gayundin sina treasurer Julian Camacho, auditor Jonne Go at board members Robert Mananquil at Clint Aranas.
Katunggali ni Tolentino si Aranas sa pagka-pangulo sa POC lection sa Nobyembre 27.
Ayon sa grupo ni Hontivers, ang report ng PHISGOC ay overdue na sapul nang itakda ang deadline nito noong Oktubre 10.
Bukod sa mga isyu sa PHISGOC, tatalakayin din ng POC ang mga bagay tungkol sa eleksiyon.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo