November 2, 2024

GORDON: UTANG NG PHILHEALTH SA PRC DAPAT BAYARAN NANG BUO

INIHIRIT ng Philippine Red Cross (PRC) na dapat bayaran nang buo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang mahigit sa P1 bilyong utang nito.

“They should pay the whole amount because nakabitin kami. Tingnan mo ha, babayad ka ng kalahati, kalahating bilyon ang utang. Papalakahin na naman, eh ‘di ninenerbiyos kaming lahat. Huwag naman,” ayon kay Senator Richard Gordon, chairman ng PRC.

“They talk to themselves all the time. The President said bayaran ninyo. Eh bakit hindi binabayaran ng PhilHealth?” dagdag pa niya.

Noong Miyerkules, umasa ang Palasyo na itutuloy na ng PRC ang COVID-19 testing services nito sa lalong madaling panahon matapos pumayag ang humanitarian organization sa alok ng pamahalaan na barayan muna ang P50% ng utang.

“Ewan ko kung saan galing ‘yung 50%, ‘di ko alam ‘yang 50%. Saka si Secretary [Harry] Roque tinext namin ‘yan eh, siningil ko nga ‘yan eh, pati asawa niya. Tapos sasabihin niya, ‘Dapat mag-test na kayo.’ Anong ipangte-test namin, Secretary Roque? Wala naman kaming testing kits na halos,”  ayon kay Gordon.

“Bayaran ninyo muna ang utang ninyo kasi no organization can survive. P1 billion na ‘yun… eh P200 million lang eh tagilid na ang negosyo,” dagdag niya.

Ikinalungkot din niya na ang gobyerno ay may pondo para sa accommodation ng overseas Filipino workers sa mga hotel subalit walang pera para isinasagawang COVID-19 test ng PRC.

“The government pays for the hotel! Let’s say may 6,000 [OFWs] kayo, those 6,000 ilalagay ng gobyerno sa mga hotel. ‘Yung iba magagandang mga hotel, babayaran ng gobyerno ‘yan pero ayaw nilang magbayad ng tinest nila,” saad ni Gordon.

Ayon rin sa PRC chairman, wala pang ibinibigay na malinaw na petsa ang state health insurer kung kailan ito magbabayad.

“Sabi ng PhilHealth sa amin, marami kaming pera babayaran namin kayo. Palagi yan, araw-araw sinasabi ‘yan… They just say may pera kami,” saad ni Gordon.

Tugon naman ng PhilHealth, hinihintay pa nila ang legal opinion mula sa Department of Justice (DOJ) bago nila bayaran ang kanilang utang sa PhilHealth.

 “PhilHealth with the support of its Board of Directors, shall wait for DOJ’s opinion on the PhilHealth-PRC MOA for proper legal guidance on how to proceed with its payment to the PRC,” ayon sa PhilHealth.