November 24, 2024

Fil-Am Sprinter Kristina Knott, proud sa naitalang new record sa 100-meter dash

Nalampasan na ni Fil-Am sprinter Kristina Knott ang 33-year-old national record ni Lydia De Vega-Mercado’s 100-meter dash.

Ito’y matapos rumekta sa silver medal sa Drake Blue Oval Meet sa Iowa,  2 buwan na ang nakalilipas.

Naitala ni Knott ang 11.27 seconds (+1.5 m/s), dahilan upang burahin ang record ni De Vega-Mercado’s sa PH at Southeast Asian Games.


Masayang nagkuwento si PHL Team member Kristina Knott ukol sa kanyang pagsira sa Philippine record na itinala ni Lydia De Vega sa 100 meter dash sa TOPS Usapang Sports online kasama ang host na si TOPS Prexy Ed Andaya. Gerard Villota

Na ito ay may markang 11.28 seconds na naitala noong 1987 SEA Games sa Jakarta, Indonesia.

Ang nasabing record ni De Vega ay nailista, 8 taon bago isinilang si Knott. Kinilala naman ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang achievement ni Knott.

Sa online interview sa kanya sa TOPS Usapang Sports, naging guest si Knott. Naikuwento nito ang tungkol sa kanyang pag-break sa record ni De Vega.