November 26, 2024

Referee sa PBA bubble, nagpositibo sa COVID-19

Nasa balag ngayon ng alanganin ang PBA games. Maaaring ikansela ang mga laro dahil sa suspected case ng COVID-19 sa loob ng bubble.

Ito’y matapos isailalim ang isang referee sa quarantine sa Athlete’s Village sa Capaz, Tarlac. Negatibo naman sa kanyang previous four test ang referee. Isasailalim uli siya sa testing habang nasa obserbasyon.

Sinabi ni Deputy Commissioner Eric Castro na isasalang sa 14-day quarantine ang opisyal. Ito’y kahit ang resulta ng test ay negative.

 “There is a strict protocol in place and it has not been breached,” saad ng liga. “All the risks are being evaluated by the PBA medical team, the CDC and the (DOH),”

All games are allowed to continue with even stricter measures, which are already in effect inside the bubble and during games.”

Sinabi rin ng liga na suspendido ng ilang activities sa loob ng Clark. Kabilang dito ang swimming, gym, jogging at iba pa.

Isinailalim kasi sa sanitazion ang nasabing lugar.Gayunman, tiniyak ng liga na maayos nila ang problema.