November 23, 2024

PALASYO, HANDS-OFF SA PANAWAGANG MAGBITIW BILANG DOH SECRETARY SI DUQUE

Magandang araw sa inyo, mga Cabalen. Kumusta ang buhay natin? Nawa’y lagi kayong nasa maayos na kalagayan at nakakayanan ang mga hamon ng buhay sa panahong kasalukuyan. Lalo na ang banta ng sakit na CoVid-19 pandemic.

Tungkol dito mga Cabalen, may ilang nananawagan na dapat ay bumitiw o magbakasyon na muna sa kanyang puwesto bilang Health Secretary si Sec. Francisco Duque III.

Ani ng ilan sa ating mga kababayan, mabagal at may butas ang pangangasiwa ng Kalihim ng Kalusugan, bukod pa sa kinasasangkutan nitong gusto at kontrobersiya— sa gitna ng paglaban ng bansa sa nakatatakot sa karamdaman. Kung kaya, nananawagan ang ating mga kababayan na bumitiw na ang Kalihim dahil sa nakikita nilang butas sa pamumuno ni Sec. Duque sa ahensiya.

Kaugnay dito, nitong nakaraang buwan, may inilatag na resolusyon ang labinglinmang senador upang magbitiw na sa puwesto ang Kalihim dahil umano sa ‘failure of leadership’; o palpak na pagkilos at pagtugon upang masugpo ang paglaganap ng coronavirus. Isa aniya sa sablay na ginawa ni Sec. Duque ay ang delayed ng rekomendasyon nito kay Pangulong Duterte ng travel ban sa China kung saan unang kumalat at nanggaling ang CoViD-19.

Gayunman, ibinasura ito ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil nais niyang bigyan pa ng pagkakataong makabawi ang Kalihim, dahil nagtitiwala siya rito.

Gayunman, iniimbestigahan ng opisina ng Ombudsman, sa ilalim ni Gen. Samuel Martinez, mga Cabalen ang tungkol sa P100,000 test kit delay. Gayundin ang delayed sa pagbibigay ng benepisyo sa mga health frontliner na nagpositibo sa coronavirus at huli sa pag-uulat ng mga kaso hinggil sa perwisyong sakit.

Kaya naman, ang sagot ng Palasyo tungkol sa panawagan ng pagbibitiw ng Kalihim ay hindi dapat irekta sa kanila. Ang isyu tungkol umano rito ay nakasalalay kay Sec. Duque. Nagdududa naman ang ilan kung bakit hindi masibak sa puwesto si Duque. Ang siste, nanggaling sa bibig ni Presidential Spokesman Harry Roque na malapit sa Pangulo sa kapatid ng Kalihim. Kaya pala, ala kapit-tuko raw ang health secretary.

Naku, mababaw na dahilan ‘yan mga Cabalen. Siguro naman, hinihintay lang ng kinauukulan ang resulta sa imbestigasyon ng ombudsman tungkol sa kinasasakutang kontrobersiya ng DOH secretary. Batid natin ginagawa ng kinauukulan ang lahat upang masugpo ang pesteng virus.

Pero, may hangganan ang kakayahan ng ating kapwa. Kailangan ng tulungan. Anoman ang kalalabasan ng imbestigasyon ng ombudsman, yan ang magiging kapalaran ni Sec. Duque. Kaya, huwag nang magtaka kung hand-off ang Palasyo para idikta ang kapalaran ng health secretary.