ARESTADO ang dalawang hinihinalang sangkot sa illegal na droga matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime Police na nag-aabutan ng shabu sa Navotas Fish Port Complex, Navotas City.
Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) P/Maj. Rommel Sobrido ang naarestong mga suspek na si Jayson Dirimio, 30, at ng Brgy. Tonsuya, Malabon City at Thelma Zamora, 31, ng Brgy, NBBS.
Ayon kay PSMS Bong Garo II, alas-9:45 ng umaga, nagsasagawa ng surveillance ang Intel operatives ng MARPSTA sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia sa Banera St. corner Broker St. sa NFPC, Brgy. NBBS hinggil sa umano’y mga inihahatid at ibinibentang isda na huli sa dynamite fishing nang maaktuhan ng mga ito ang isang lalaki na may iniabot na plastic sachet ng hinihinalang shabu sa isang babae.
Hindi na nakapalag ang dalawa nang lapitan at arestuhin ng mga pulis kung saan narekober sa kanila ang apat na plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P2,000 ang halaga at dalawang wallet na kulay pink at gray.
Kakasuhan ang dalawang naaresto ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
More Stories
NAVOTAS NANALO NG MARAMING AWARDS SA EXEMPLARY GOVERNANCE
MAYROON AKONG DEATH SQUAD – DIGONG
RESPONSIBILIDAD SA MADUGONG DRUG WAR, INAKO NI DUTERTE