November 23, 2024

Mabilis at internet connection, mahalaga sa online learning, kaya di dapat magloko

Magandang araw sa inyo, mga Cabalen. Nawa’y lagi po kayong nasa mabuting kalagayan.

Nitong mga nagdaang mga araw ay naramdaman na natin ang manaka-nakang pag-ulan. Halos araw-araw umuulan. Mahina man o malakas.

Ika nga natin noong nakaraang isyu ng pitak na ito, nagpaparamdam na si La Niña. May ilan sa ating mga kababayan ang nagrereklamo.

Ito’y kaugnay sa mahina at paputol-putol na signal ng internet. Mhalaga ang internet connection ngayon. Lalo na nga’t online na ang pag-aaral ng mga estudyante.

Hindi dapat magloko o mawalan nito sa oras na may klase ang mga bata. Gayunman, sa ilang lugar o pagkakataon, may nawalan ng signal o connection pa nga.

May isang lugar sa Quezon City ang nawalan ng net. Iba-iba ang palagay nila sa pagkawala ng koneksyon. Malakas napag-ulan o nag-down ang isang operator para sa maintenance.

Gayundin ang paliwanag ng ilang internet providers. Unfair nga naman sa mga consumers kapag usad-pagong at babagal-bagal ang signal. Nagbabayad ang mga magulang sa gugol.

Ilan pa sa pakiwari nila ay ang mga nagkakabit ng net. Nasasagi ng ilang installer ang kable. Pero, hindi raw kinakamada ng maayos. Ang siste, tengga ang klase ng mga bata sa kanilang mga bahay.

Hay buhay nga naman. Paliwanag ng isang telco, inaayos nila ang signal at serbisyo. Sa gayun ay bumilis ang connection.

Gayun nga sana lagi.Dahil lubhang mahalaga ang mabilis na connection sa online learning ng mga bata.

Hanggang sa muli, mga Cabalen.