PINANGUNAHAN ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, DHSUD Secretary Eduardo Del Rosario, Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Chairman Alvin Feliciano ang isinagawang inauguration at blessing ceremonies sa bagong Disiplina Village Lingunan building. Ito ang pangatlong in-city relocation site Disiplina Village na itinayo sa lungsod kung saan maagang pamasko sa 164 mga pamilya na naninirahan sa transmission lines at mapanganib na lugar ang inilipat sa naturang pabahay. (JUVY LUCERO)
Maagang pamasko para sa 164 na mga pamilya na dating naninirahan sa mapanganib na lugar matapos mag-umpisa na sa kanilang “Bagong Bahay, Bagong Buhay” makaraang mapagkalooban ng mga bagong tahanan sa Disiplina Village Lingunan, Valenzuela City.
Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, ang mga nasabing pamilyang dati ay nakikipagsapalarang manirahan sa ilalim ng mga transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ngayon ay nananahan na sa tahanang may dignidad at ligtas sa sakuna.
“Salamat po sa NGCP and Gawad Kalinga para sa partnership na ito. Lupa po ito ng local government, pondo ng NGCP naman ang ginamit sa pagpapatayo ng units. Gawad Kalinga naman ang nagtayo ng units,” ani Gatchalian.
Pormal na pinasinayaan sa pangunguna ni Mayor Rex, kasama si DHSUD Secretary Eduardo Del Rosario, at Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Chairman Alvin Feliciano ang Disiplina Village Lingunan, ang pangatlong in-city relocation site sa Valenzuela City.
Para sa unang phase, limang gusali na ang naitayo sa pakikipagtulungan sa NGCP at Gawad Kalinga.
“Isa ito sa pinakalaking programa sa pakikipagtulungan sa NGCP para mai-relocate ang mga mamamayang naninirahan sa danger zones. 750 families na nakatira sa ilalim ng transmission lines ang maililipat natin pag natapos ang buong DVL Lingunan sa susunod na taon. May sariling unit, mas ligtas, may kuryente, tubig, at may dignidad ang pamumuhay,” ani Gatchalian.
Ibinida ng alkalde na malapit ito sa apat na paaralan kung saan maaaring mag-aral ang mga estudyanteng kasapi ng mga relocated families dahil pinag-isipan itong mabuti ng lokal na pamahalaan para masigurong kaaya-aya ito sa mga lilipat.
“Ang mga building na yan lahat yan may dignidad physically, pero walang dignidad yan kapag ang mga nakatira ay hindi magiging responsible na mga homeowners. Burahin niyo na sa mga isipan niyo na ang tawag sa inyo informal settlers… Ngayon, homeowners na po kayo. Ganap na kayong komunidad na may responsibilidad na maging maayos na kapitbahay,” sabi ng alkalde sa mga relocates.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY