Batay sa lumabas na pag-aaral at pananaliksik, sinasabing isang Syrian village ang sinira ng debris mula sa kometa, may 13,000 taon na ang nakalilipas. Ang Abu Hureyra village, matatagpuan sa hilagang Syria ay pinananahanan noon ng mga mangangaso. Noong una ay mga magsasaka sila na napilitang mangaso dahil sa naranasang tagtuyot noon.
Hanggang isang araw, may 13,000 taon na ang nakararaan, isang cataclysmic event ang kalunos-lunos na nagbura ng village sa mapa. May inilatag na ebidensiya kaugnay dito sa isinagawang paggalugad sa nasabing pook noong 1970’s, na nagsasabing ang naturang village ay tinupok ng apoy. Gayunman, nanatiling palaisipan kung ang liyab ng apoy ay nagmula sa lupa; o dili kaya’y kagagawan ng mapaminsalang cosmic event sa nabanggit na rehiyon.
Tungkol pa dito,masusing sinisiyasat ng arkeologong si Andrew Moore, na siyang nanguna sa team na unang naggalugad sa nasabing site. Sa gayun ay masagot ang misteryo tungkol sa nawalang Syran village.
Gamit ang ilang pamamaraan upang matukoy sa pamamagitan ng pagduduplika ng mga materyales na nakuha sa village, sinikap ng mga mananaliksik na matukoy kung ang mga minerals na matatagpuan sa lupa ay umaabot ng 2,000 digri sentigrado; at kung ito ba ay may kakayahang magpaliyab ng apoy at makalikha ng sunog.
“It is imposible to explain these melted minerals on meltglass by anu natural process than na cosmic impact event,” saad ni Moore.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?