November 24, 2024

Nakatutok ang lahat sa Clark amenities sa pagpapatuloy ng Philippine Cup

‘THIS IS NICE’. Namangha si Joe Devance ng Ginebra San Miguel sa magandang tanawin habang nasa rooftop ng Clark Freeport Zone habang wala itong laro.  (Photo Courtesy: Joe Devance vlog)

CLARK FREEPORT – Nakatutok ang lahat sa nasabing Freeport dahil sa pagpapatuloy ng Philippine Basketball Association Cup 2020, matapos piliin ang Clark bilang venue ng PBA Bubble.

Itong Freeport, magmula nang dumating ang mga koponan ng PBA sa Quest Hotel, ay nakakuha ng maraming atensiyon sapagkat angkop ito na mag-host ng mga sport event dahil na rin sa kanilang  safety at security, protocol control at proximity.

Makikita ito mula sa mga footage ng tatlong  TV network – TV5, One News at PBA Rush.

Sa katunayan, itong  first-class amenities  ay may mga golf course, fitness center, jogging lanes, swimming pool na magagamit ng mga player at coach kapag may libreng oras.

Maganda ring ang atraksyon sa Clark at tourist sport gaya ng Parade Grounds at Mimosa, gayundin ang Freeport’s wired roads – kung saan walang masyadong traffic – ay makikita rin sa live broadcast ng TV5, One News at PBA Rush.

Makikita rin ang logo ng Clark tuwing may laro, na inilagay sa court ng Angles University Foundation Sports and Cultural Center sa Angeles City, kung saan ginaganap ang naglalaro ang mga basketball player.

Namangha rin ang mga player sa ganda ng view sa Freeport tulad ng makikita sa kanilang mga Youtube channel.

Sa kanyang personal vlog, inilaran ni  Joe De Vance ng Ginebra San Miguel ang hotel na “maganda,” kung saan sinabi nito na nagkaroon siya ng kasiyahan sa loob ng Clark.

“This is nice… this is beautiful, guys. I’m amazed,” ayon kay De Vance habang nasa rooptop ng Quest Hotel.

Tiniyak naman ng mga opisyales ng Clark Development Corporation (CDC) at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na mula pa noong unang araw, ay mahigpit na nilang ipinapatupad ang health measure kabilang na ang luggage at gear sanitation, logging sa isang monitoring phone app, interviews, at testing kabilang ang iba pa, upang tiyakin na ligtas ang lahat sa bubble.