November 24, 2024

ANTIPORDA MAGBIBITIW KUNG SI DUTERTE ANG MAGSASABI

Sa kabila ng panawagang magbitiw, sinabi ni Environment Undersecretary Benny Antiporda na aalis lamang siya sa puwesto kung mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang mag-uutos nito.

“Dito naman po, na you’re calling for my resignation, you can write to the President or you can make a complaint against me. If the President says na I should leave my post, then I will do it. Wala pong problema yan,” saad ni Antiporda sa isang panayam sa CNN Philippines.

Nanawagan ang Geographic Society of the University of the Philippines (UP) ng resignation ni Antiporda dahil hindi raw ito nararapat sa kanyang trabaho at pagbabalewala sa opinyon ng mga Filipino scientist.

Inulan ng batikos si Antiporda sa social media matapos nitong tawagin ang UP experts na bayaran dahil sa pagkuha ng milyong-milyong pondo para sa consultation fees.

Ngayong Huwebes ay humingi na rin ng paumanhin si Antiporda sa UP dahil nadala lamang siya sa kanyang emosyon.

“Mali yung salita ko na bayaran kayo, yun po, ireretract ko yun,” aniya.

Muling humirit pa si Antiporda at sinabing dapat sa kanila dumirekta ang UPMSI at hindi sa media kung sakaling mayroong mali sa kanilang ginagawa.