IHIHINTO na ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagsasagawa ng libreng coronavirus test para sa overseas Filipino workers (OFWs), medical frontliners, at iba pang Fililipino simula ngayong araw, Oktubre 15, dahil sa utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sa kanilang official statement, sinabi ng PRC na ginawa nila ang desisyong ito dahil sa hirap silang maningil ng balanse mula sa PhilHealth na ngayon ay lumobo na umano sa P930,993,000.
“This is a difficult decision to a humanitarian organization such as the PRC to make but it has to be made. The PRC does not have unlimited resources to replenish the testing kits for its laboratories unless PhilHealth, its major creditor, settles its lawful obligations to PRC,” ayon sa pahayag ng PRC.
Mananatili umano ito hangga’t hindi nababayaran ng PhilHealth ang obligasyon nito sa PRC.
Nilinaw naman ng Red Coss na tuloy-tuloy pa rin ang pagtest nila sa mga indibidwal na nagpa-book gamit ang kanilang 1158 helpline at website, sa mga pribadong kumpanya, mga lokal na pamahalaan at ibang ahensya ng gobyernong may laboratory testing agreement sa kanila at iba pang may up-to-date na bayad.
More Stories
P21-M SHABU NASABAT SA 2 HIGH VALUE INDIVIDUAL SA QUEZON
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)