Maraming team ang nag-aabang kay Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo. Magiging unrestricted free agent na kasi ito sa 2021.
Sa oras na matapos na ang contract nito sa Bucks, isa ang Dallas Mavericks sa gustong bumingwit kay ‘The Greek Freak’.
Bukod dito, target din ng Miami Heat ay LA Clippers si Giannis.
‘The Miami Heat are a team that a lot of people look at as trying to get Giannis Antetokounmpo out of Milwaukee,’ani Brian Windhorst ng ESPN.
‘The Dallas Mavericks, to me, are going to be really at the front of that line,” aniya.
Dagdag pa ni Windhorst, kahit na anong team ay interesado kay Giannis. Gayunman, wala aniyang tsansa na magkatoto ito. Hindi rin nila ipipilit dahil imposible.
Kung makukuha ng Dallas, magkakaroon ng problema sa 2021-2022 cap space na $125 million.
Kung desidiso aniya ang Mavericks na makuha si Antetokounmpo, hindi nila papipirmahin ang mga players na may multi-year contract.
Kabilang na rito sina Dwight Powell ($11,080,125), Delon Wright ($8,526,316) at Maxi Kleber ($8,750,000). Gayundin sina Seth Curry ($8,207,518), Dorian Finney Smith ($4,000,000) No. 18 pick in 2020 draft ($2,957,520).
Pwede ring i-trade aniya ang mga players na ito na katumbas ng salary ni Giannis sa Bucks.
‘The Mavericks would just have to be careful not to undermine the roster quality that’d appeal to Antetokounmpo. It’s a risky preposition.But the upside is sky high.”
‘Maybe Antetokounmpo will finally be the big fish the Mavericks land.It sounds like they’ll try as hard as they can.,” aniya.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!