November 24, 2024

Mas mababang arrivals inaasahan na ngayong taon – BI

INAASAHAN na ng Bureau of Immigration (BI) na mas kakaunti ang uuwing pasahero ngayong taon.

Lumalabas sa rekord ng BI na 3.5 milyon pasahero ang dumating mula Enero hanggang Setyembre, taliwas sa halos 13 milyon na umuwing pasahero sa parehong petsa noong nakaraang taon.
 
“If you look at the figures, it starts with a strong 1.7 million arrival in January, then drops to less than 500,000 in March, and slumps to a mere 25,000 in April,” wika ni BI Commissioner Jaime Morente.

Nagsimulang bumaba aniya ang bilang ng mga umuuwing pasahero noong Enero bunsod ng travel restrictions na ipinatupad.

Nagpatupad din ang BI ng suspensyon sa pag-iisyu ng Visa Upon Arrival dahil sa pandemic ng COVID-19.

Sa ngayon, tanging mga Filipinos lamang, kanilang asawa at mga anak ang pinapayagan na makapasok sa bansa kung tourist visa ang hawak.

Noong nakaraang taon, nakapagtala ang BI ng mahigit 16 million arrivals na mas mataas kumpara sa 15.1 million na naitala noong 2018.