LAMITAN, BASILAN –Lumahok ang 97 Moro National Liberation Front (MNLF) sa verification at socio-economic profiling process noong Hulyo 4, 2024, sa naturang island province.
Ang verification at profiling process ay bahagi ng MNLF Transformation Program na kasalukuyang ipinatutupad ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) sa pamamagitan ng napagkasunduang mga tuntunin ng GPH-MNLF Management Committee.
Idinesenyo ang nasabing programa upang iangat ang socio-economic condition ng mga combantantsm, kanilang pamilya, at mga komunidad at kabilang sa mga pangakong isinagawa ng pambansang pamalaan sa ilalim ng 1996 Final Peace Agreement sa MNLF.
Noong Setyembre 30, 2023, inilunsad ng OPAPRU ang MNLF Transformation Program sa Basilan kung saan natapos ng 460 combatant ang validation, verification at socio-economic profiling process.
Layon ng peace agency na matapos ang profiling ng lahat ng lalabing MNLF combatants sa lalawigan na kabilang sa target beneificiares para sa fiscal year 2023.
Pinalakas ang implementasyon
Noong 2023, umabot sa 1,705 MNLF combatants ang sumailalim sa profiling sa Basilan, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Cotabato City, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur at North Cotabato.
Sa pangunguna ng MNLF Peace Process Office ng ahensya na pinamumunuan ni Director Jana Gallardo, ang verification at profiling process ay kabilang sa mga unang hakbang para sa mga kwalipikado na mga miyembro ng MNLF na maging bahagi ng Transformation Program.
“Ang aming pagbabalik dito sa Basilan ay isang patunay ng pangako ng gobyerno ng Pilipinas na maisakatuparan ang 1996 Final Peace Agreement lalo na ang usaping socioeconomic na tutulong upang mapataas ang antas ng pamumuhay ng mga MNLF combatants, kanilang pamilya at komunidad at magsilbing kontribusyon ng GPH-MNLF Peace Process sa pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro,” ani Gallardo.
Layon ng MNLF Transformation Program na tulungan ang MNLF combatants na maging matagumpay ang transition sa productive, empowered at self-reliant individuals at bigyan sila ng kapangyarihan bilang mga ahente ng peace and development.
Ang naturang programa ay may apat na major components: security, socio-economic, confidence-building, and community healing and reconciliation.
Sa ilalim ng socio-economic component, makakatanggap ang MNLF combatants, kanilang mga pamilya at komunidad ng paunang tulong tulad ng social protection assistance ma binubuo ng agarang financial cash assistance, health insurance (PhilHealth), civil registration assistance (birth certificate/marriage certificate, gayundin ang special assistance (combantants na may kapansanan kabilang ang kanilang mga pamilya).
Pangako ng suporta at pakikipagtulungan
“We are committed to working together to develop programs that will empower you and your families to become productive members of our society,” saad ni Lamitan City Mayor Roderick Furigay sa kanyang mensahe na binasa ni executive assistant Noel Baul sa ginanap na programa.
Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Usec. Alan Tanjusay ang pamamahagi ng food packs sa MNLF combatants.
“Ang transformation program ay isang behikulo ng ating pamahalaan na kung saan nagkakaisa, pinapakita ng MNLF at ng gobyerno ang pagkakaisa at simulan ang tunay na pagbabago,” wika ni Tanjusay.
“Kami po ay nag-uusap ng OPAPRU at nag-papartner upang ipatupad ang Transformation Program. Sana ay i-welcome ninyo ang OPAPRU at DSWD sa inyong communities kapag kami po ay bumisita sa inyo at mangumusta at makihalubilo sa inyo…Sana ay patuloy po ang inyong pagbigay tiwala sa DSWD sa pagpatuloy ng Transformation Program,” dagdag pa nito.
“Hopefully we pray that in the long run, with the full support and as we stand together in unity as brothers we can achieve success and progress in the entire region in general and in Basilan,” wika naman ni Awad Hamid, Co-Chairperson for Socio-economic Committee, MNLF Management Committee representing MNLF Management Committee Chair, Uttoh Salem Cutan. Kabilang sa sumusuporta sa OPAPRU sa implementasyon ng Transformation Program ay ang Mindanao State University (MSU) Systems, na nagsagawa ng profiling at debriefing process sa mga combantant, at Philippine Statistics Office, na nag-assist sa mga benepisyaryo sa pagkuha ng kanilang civil registration at Philippine National ID.
Noong Hukyo 1, sumailalim ang mga armas ng 97 MNLF combatants sa verification process na pinangasiwaan ng Joint Body on Management of Arms and Forces na binubuo ng mga kinatawan mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at MNLF.
Nakatakdang kompletuhin ng OPAPRU ang profiling sa nalalabing MNLF members sa Lanao del Sur sa katapusan ng Hulyo ngayong taon at paigtingin pa ang Transformation Program sa iba pang MNLF communities sa buong Bangsamoro Region.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA